"Sure ka na ba dito, Autu-babes?" Tanong ni Korek. Mula sa loob ng sasakyan ay natatanaw ko na ang restaurant na napagkasunduan namin ni Mr. Perell. Pinagkiskis ko ang aking mga palad bago sya tuluyang nilingon. "Suggestion mo kaya 'to." Sarap kotongan ng isang 'to. Pangbobohan ang tanong. Hanep! "Ah. Oo nga pala 'no? Sige. Go go na, Autu-babes." Napapahiya syang nginitian ako saka pinagtulakan ako palabas ng sasakyan Nakangiwi ko syang nilingon at muling ibinaling ang atensyon sa mamahalong restaurant na nasa kabilang kalye lang. Ngayon ang araw na makikipagkita ako kay Josiah Perell bilang Autumn Grayson. Bagaman kabado ay hindi ko maitatanggi ang pinagtatakahan kong kakarampot na tuwa sa aking puso. Muli kong tinanaw ang labas ng restaurant at mula sa isang kulay itim na mercede

