"Ano ba kasing pinaggagagawa nyo kahapon ha?!" Singhal ni Winter habang pinupunasan ako gamit ang malamig na bimpo. "Manahimik ka nga. Lalong sumasakit ang ulo ko sa kakadaldal mo, e." Nakakunot ang noo na tugon ko. Sinabi ko naman na kasi na kaya ko nang gawin ang bagay na iyon, hindi pa ako hinayaan at ngayon ay heto't panay lang ang pagkuda. Pakiramdam ko ay mababasag ang eardrums ko sa sobrang tinis ng boses nya. "Hoy, Autumn. Yung mukha mo nasa newspaper na at kinukumbulsyon ka kagabi. Akala namin mamatay ka na." Naroon nanaman ang parehong tono sa kanyang pananalita. Hindi ko tuloy naiwasang mapangiwi lalo na nang madiin nyang ihagod sa akin ang bimpo na tila ba nais na nya akong balatan ng buhay. "Tuwa yarn?" "Anong—" hindi nya na tinuloy pa ang sasabihin pero pakiramdam ko a

