"Autumn, sure ka bang okay lang si Kuya Josiah?" Nakangiwing tanong sa akin ni Fall nang makalabas ako mula sa aking silid. Nilingon ko ang gawi ni Josiah. Hindi nga maipinta ang mukha nito. Kung nakamamatay lang siguro ang tingin, baka napatay nya na iyong mga tauhan nyang matindi ang pagpipigil ng kanilang mga tawa. "Smile, baby." Walang boses na saad ko nang lumingon ito sa aming gawi ngunit sinamaan nya lamang ako ng tingin. Mahina tuloy akong napatawa. Para syang babae na may buwanang dalaw ngayon. "Pagbihisin mo na lang kaya sya," suhestiyon ni Fall, kinakabahan. Tinapik ko ang balikat nya at saka binigyan ng magandang ngiti. "Hayaan mo sya. Nag-iinarte lang iyan," saad ko at muling ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi yata talaga fan ng kulay pink si Kuya Josiah, ate." Habol

