"We need to go." Nagtatakang sinundan ko ng tingin si Josiah nang pumasok ito sa kanyang opisina at walang tinginan na naglakad sya patungo sa gilid ng kanyang lamesa at mabilis na isinuot ang kanyang suit. "Saan tayo pupunta? Akala ko ba may meeting ka?" Tanong ko at nagmamadaling tumayo. Halos sampong minuto pa lang yata nang umalis sya. Parang imposible naman na matapos ang board meeting sa loob lang ng sampong minuto. Nanatili ang seryoso nyang mukha habang may hinahanap na kung ano sa kanyang table. "Josiah, may nangyari ba?" Hindi ko na naiwasang hindi kabahan. Ang huling beses na ganito sya kaseryoso ay hindi ko talaga nagustuhan ang nangyari. "We need to go, baby," saad nya saka kinuha ang mga gamit kong nagkalat sa upuan. Hinawakan nya ang aking pulsuhan. Nang magtangka syan

