Chapter 8

1247 Words
Kinabukasan ay maaga akong bumangon. Pakiramdam ko nga ay hindi talaga ako nakatulog kagabi dahil sa lintik na Perell na iyon. Nakailang balikwas na ako sa kama. Halos baliktarin ko na ang kutson, sa tuwing pipikit ako ay eksena ng pamamakla nya sa akin ang nakita ko kanina. Masama ang mukha na bumangon ako at mabilis na tinungo ang kusina para lamang makita ang kapatid ko at ang isang taong ayaw na ayaw ko sanang makita ngayong araw. Hahakbang na sana ako pabalik nang... " Kuya Joshua," tawag sa akin ni Fall. Madiin akong napapikit. Sa isip ay ilang ulit ko syang kinastigo dahil nararamdaman kong inaasar nya ako sa mga oras na ito. "Kuya, narito ang boss mo at may gusto raw syang sabihin sa iyo." Dagdag nya pa. Rinig ko ang paglagiktik ng upuan sa sahig, tanda na tumayo ito pero nanatili akong nakatalikod sa gawi nilang dalawa. "Binibisita ka na ngayon, Autumn ha. Baka iba na yan. Nasa labas sila Ate Winter at Summer, may inaasikaso lang, solo nyo ang bahay. Wag kang marupok ha?" Nakangising bulong nya. Pinaningkitan ko sya ng mata saka bahagyang kinurot bago tuluyan syang itinulak paalis ng sala. Anong marupok ang pinagsasabi nya? Alam nilang lahat ang kasarian ko at hindi ako matitibag ng isang Josiah Perell lamang. "Good morning," bati nya at dahil hindi ako lumaking bastos ay inobliga ko ang katawan kong harapin sya at bahagyang tumungo. "I didn't know you have long hair," puna nya pa sa nakaladlad kong buhok. Bakit? Kailangan ko bang sabihin sa kanya ang hanggang balikat kong buhok? Isang tango lamang ang itinugon ko sa kanya. "You really look familiar. Someone I met on a—" sinadya nyang bitinin ang pagsasalita saka ako tinignan mula ulo hanggang paa. "—party." Pagtatapos nya sa sinasabi. Pakiramdam ko ay may kung anong bumara sa lalamunan ko. May alam na ba sya? Pero natitiyak kong nang araw na iyon ay ibang-iba ang itsura ko sa madalas kong itsura. Natitiyak kong walang makakakilala sa akin bukod sa mga kapatid ko, kay Korek at sa mga nag-ayos sa akin. "Sit down." Dagdag nya pa na nakaturo sa bakanteng upuan na naroon sa kanyang harapan. Taray. Di ko alam na bahay nya na pala 'to ah? "Ano hong ginagawa nyo rito, Sir?" Pilit kong itinatago ang pagkailang na nararamdaman. Inabala ko ang aking mga mata sa mga bagay-bagay na naroon sa sala para lamang hindi masalubong ang mga tingin nya. "I am giving you a week off." Panimula nya. Mabilis akong napalingon sa kanya pero nang masalubong ko ang mga tingin nya ay ako rin ang unang nagbawi. Anong problema non at titig na titig sa akin?! "You will still be paid during your day off and I want you to continue looking for Ms. Autumn Grayson." "Bakit ba hinahanap nyo pa ang taong ayaw nang magpakita sa inyo?" Tanong ko. Tumikhim sya. Ibinaba ng bahagya ang kanyang tasang hawak saka naka-de kwatro akong tinignan. "You guess." Nakangising aniya na tila ba sa pamamagitan ng pag-arko ng labi nya ay malalaman ko ang sagot. "May gusto ka ho ba sa babaeng iyon, Sir?" Pakikiusyoso ko—mali. Hindi pakikiusyoso yon dahil ako mismo ang babaeng hinahanap nya. Inilapit ko pa ang mukha ko na mabilis ko ring pinagsisihan dahil sa kaunting segundo na nasa ganoon akong posisyon ay muli nya nanamang pinakabog nang malakas ang dibdib ko ng bigla ay kalasin nya ang kanyang pagkakaupo saka yumuko rin paharap sa akin. Halos ilang inches na lang yata ang layo ng mukha naming dalawa at isang batok na lang ay susubsob na ang mukha ko sa kanya. "What if I did?" Mas tumindi ang pagkakangisi nya. Mabilis akong nag-iwas saka umayos ng upo. Nananadya na yata 'to, e? Ano bang problema nya?! At ano bang problema ng puso ko? Hindi. Hindi bumibilis ang t***k ng puso ko dahil sa ginagawa nya at lalong dahil sa kanya. At anong what if I did? Baka naman kagaguhan nya lang iyon at ang gusto nya talaga ang parusahan ako sa isang nakaw na halik! E, nakaganti na nga sya kagabi! Siraulo ba sya? Argh! Mabilis akong umiling nang umiling. Bakit ko ba naaalala ang bagay na iyon?! "Kung gusto mo sya—" "Are you jealous?" Tanong nya. Mabilis kong naituon ang atensyon sa kanya. Nakangiti na ito sa akin habang hinihigop ang kapeng hawak. "Anong selos? Ako? Nagseselos? Bakit naman ako magseselos? Hindi ako nagseselos 'no! Asa ka! Di ako—" "You talk to much for a person who isn't jealous." Nakakaloko ang ngiting aniya. Naging defensive ba ako masyado? Hindi naman ah! Fake news, Perell! "Hindi ako nagseselos, Sir! Maniwala ka. May—" "Hush now, Joshua. I know." Hindi nawala ang ngiti nya at ikinaiinis kong napako ang paningin ko don. Ang perpekto nyang ngiti. Hindi ko malaman kung anong mayroon sa mga iyon at sadyang hindi ko maialis ang aking paningin. "I want you to look for her in any possible way you can, JOSHUA." Muling saad nya na mabilis nagpabalik sa akin sa reyalidad. Hindi ko malaman kung sinadya nya nga bang ipinagdiinan ang pekeng pangalan na ibinigay ko o guni-guni ko lamang iyon. "Yes—" "Babe!" Pareho kaming napalingon ni Mr. Perell sa babaeng tumatakbo papasok ng bahay. Maiksi ang suot nitong short at bitin ang damit na animo'y kinulang na sa tela. Hindi ko malaman kung bakit nilingon ko si Mr. Perell ngayon at may kaunting tuwa akong naramdaman nang makita ang kunot nyang noo habang pinanunuod si Selena na yumapos sa akin. "Selena." Nakangiting pagtawag ko. Tama. Ito ako. Ito ang girlfriend ko at ang pagbilis ng t***k ng puso ko dahil kay Mr. Perell ay wala lamang. Ang pagngiti ko ay wala lang. Marahil ay masyado lang akong nasiyahan na mapapatunayan sa kanyang hindi ako bakla tulad nya. "Bakit hindi mo na ako binibisita? Nagtatampo na ako sa'yo." Parang bata na nagmamaktol si Selena. Napangiwi pa ako ng habaan nya ang kanyang nguso at isabit sa aking braso ang kanyang sarili. "May babae ka ba?" Hinawakan ko ang pareho nyang pisngi saka ginawaran ng isang halik sa noo, "wala, babe. Busy lang ako sa trabaho. Umayos ka at ipapakilala kita sa amo ko," saad ko at inalalayan syang tumayo ng tuwid. Masamang-masama ang timpla ng mukha ni Perell nang humarap kami sa kanya. "Sir, girlfriend ko—" "Let's go. We're leaving," aniya saka mabilis na tumayo. Naguguluhan ko syang pinakatitigan. Anong problema no'n? Akala ko ba day off ko bakit tinopak nanaman? Nung nagpaulan ng katoyoan, siguro nasalo ng lalaking ito lahat. "Sir, akala ko ba day off ko?" Tanong ko. "I changed my mind. I have a meeting with a client in Batangas and you need to drive—" hindi ko malaman kung bakit kusa syang tumigil sa pagsasalita. Nang ibaba ko ang aking paningin ay naroon na sya nakatitig sa kamay naming magkahawak ni Selena. "Talaga, babe?! Edi idedate mo ako ngayon?" Sabat naman ni Selena. At dahil hindi ko inaalis ang paningin ko sa topakin na si Perell ay kitang-kita ko ang panunuya sa kanyang mukha nang gawaran ni Selena ng halik ang aking leeg. "Sel, umayos ka." Pag-awat ko kay Selena. Nakangiti naman itong tumango sa akin kaya pinisil ko ang kanyang pisngi. "Fvck! Take the fvcking day off!" Nangagalaiting aniya saka nagmartsa palabas. Anong problema non? Hahabol pa sana ako nang marinig ko na ang pagharurot ng sasakyan palayo sa aming bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD