Kasabay ng pagtanggal ko ng blindfold ay ang pagtugtog ng malamyos na musika. Hindi ko malaman kung paanong nangyari na sa kabila ng ingay ng paligid at ganda ng kalangitan, nangibabaw sa akin si Josiah na nasa harapan ng isang fountain. Hindi ko napigil ang emosyon nang tuluyan nyang sabayan ang kanta. Ang malamig nyang boses ay nagdadala ng kakaibang init sa aking puso. Pakiramdam ko ay may isang daang anghel ngayon sa aking likuran para isipin ko na naroon ako sa kalangitan. "Josiah." Lumuluha ngunit nakangiting pagtawag ko. Isa. Dalawa. Tatlo. Pakiramdam ko ay ito na yata ang pinakamatagal na pangyayari sa buhay ko. Sa isang iglap ay parang naging slow motion ang lahat sa paligid at tanging si Josiah na lamang ang naiwan sa aking paningin. Mas lalong tumindi ang emosyon ko nang isa

