"Don't you really want to go with me?" Tanong ni Josiah. Inihinto ko ang pag-aayos ng kanyang damit saka nilingon sya. "Babe, napag-usapan na natin ang bagay na ito." Parang sa loob yata ng isang linggo, nang malaman namin na may business meeting sya sa ibang bansa, ilang ulit nya na akong tinanong at naging consistent naman ako sa sagot kaya hindi ko malaman kung bakit paulit-ulit nanaman sya ngayon. "Autumn, I cannot leave you behind." Madramang aniya na akala mo naman ay hindi kami magkikota nang sampong taon. "Baby please come with me. Hindi ko kayang pumasok sa trabaho nang hindi ka nakikita. Hindi ko kaya, Autumn. Hindi. Mamamatay ako kapag wala ka." Napangiwi ako nang maramdaman ang pagyakap nito mula sa aking likuran. "Ano ka ba? Wag ka ngang umarte na kapag umalis ka, e ma

