Salubong ang mga kilay na tinungo ko ang pinto nang marinig ang paulit-ulit na pagdoorbell. Sinilip ko ang monitor at isang lalaking lamang ang nasa labas. Hindi kita ang mukha nya dahil sa nakatakip na sumbrero kaya naman agad akong tumalikod at muling isinalampak ang katawan sa sofa. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko sa biglaang pag-alis ni Josiah at kahit hindi ko man gusto, ramdam ko ang pagkawasak ng puso ko. "Demonyo ka, Josiah Perell!" Puno ng sama ng loob na salita ko. Lahat na yata ng murang alam ko ay nasabi ko na pero hindi man lang gumaan ang pakiramdam ko kahit kakarampot. Para pa ring pinipiga ang puso ko at inuulan ng katanungan ang isipan ko. Emosyonal na nilantakan ko ang ice cream na nasa harapan pero sa kalagitnaan ng pagdadrama ay napahinto ako sa mulin

