"Josiah, hijo!" Mr. Wallace called him in surprise. Nanlalaki ang mga mata nitong naguguluhan na pinakatitigan ang binatang naghahabol ng hininga habang nakalapat ang dalawang palad nito sa magkabilaang hamba ng pinto. How are you, Josiah? Gusto ko sanang itanong but all I did is just stare at him. Ramdam ko ang panghihina ng aking buong katawan. God! I miss him. May parte sa puso ko ang humihiling na sana ay tapunan nya rin ako ng tingin but his eyes were fixed sa matandang tumawag sa kanya. "What brought you here today?" Mr. Wallace continued. Hindi ko malaman kung pagkataranta ba ang gumuhit sa mukha ni Josiah o ano. Mabilis itong umayos ng tayo at saka bahagyang yumuko upang magbigay galang sa matatanda. "I-I heard you're here." Ngayon ko lang yata sya narinig na mautal. Halata

