Farah’s POV “Tapos ka na bang suriin ang kabuuan ko?” may pilyo ang ngiting tanong niya. Agad nag-init ang mga pisngi ko at tila napahiyang nag-iwas ng tingin. Tumikhim ako at tila bumalik sa reyalidad nang impit na tumili si Leah. Nakalimutan ko na ngang kasama ko pala siya ngayon. “Naku, Terrence! Natatandaan mo pa ba kami?” kinikilig na tanong nito. Lumipat siya sa harapan ko kaya sila na ngayon ang magkaharap. Eksenadora talagang babae ito. Ninanamnam ko pa lang ang moment, sumingit na agad! “Of course! I will never forget you. Lalo na si Farah,” sagot nito, saka tumingin sa akin. Nahihiyang nginitian ko siya at bahagyang hinawi ang buhok ko para itago sa likod ng tainga ko. “I will never forget you” daw! Unforgettable lang? Kinilig naman ang bumbunan ko. “Ay! Akala talaga namin hi

