Hindi ko na siya hinintay na makatapos sa paliligo at mabilis na akong nagbihis. Kinuha ko ang bag ko at ang cellphone ko saka mabilis na nilisan ang penthouse niya. Dumiretso ako sa bahay at sumilip lang saglit sa kuwarto ni daddy bago tuluyang nagtungo sa sarili kong silid. Nahiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Hindi ko pa rin talaga maintindihan ang tunay na ugali ni Lance. Minsan parang mabait at sweet naman siya, pero minsan parang bulkan na bigla na lang sasabog. Pero iyong ginawa niya kagabi ang pinangangambahan ko. Paano kung palaging gano’n ang uri ng pag-angkin niya sa akin? Kakayanin ba ng katawan ko? Paano kung- Naputol ang pag-iisip ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Masakit pa rin ang buong katawan ko kaya banayad akong bumangon at inabot ito. Pangalan ni Lance ang

