Chapter 6 Meeting a Wicked

1462 Words
Napahinto ako sa may hagdan dahil hindi ako sigurado kung saan ako pupunta. Mabuti na lang at may paakyat na isang kasambahay at sinabihan akong pumunta na ngayon sa dining room dahil naghihintay na raw doon si Lance. Hindi kagaya noong may edad na maid kagabi, parang medyo masungit ang isang ito. Ni hindi man lang ako binati tapos nakasimangot pa na tila naiimbyernang makita ako. Pero masiyado na akong maraming iniisip para dumagdag pa siya kaya binalewala ko na lang. Siguro ay may pinagdadaanan ito o kaya baka may period. Pagkatapos namin mag-almusal ay nagtungo na kami sa mall. Isang store for branded and high-end apparels ang pinuntahan namin. Halatang kilala ng mga staff si Lance base sa klase ng ngiti at pagbati ng mga ito sa kaniya. Siguro ay dito niya ipinamimili ang lahat ng mga babae niya kaya sanay na sanay na sila sa kaniya. Pagkatapos ay may lumabas na isang babae sa may pinto sa tabi ng counter. Sa hitsura nito ay mukhang siya ang may-ari ng store. “Lance! What a pleasant surprise! Ang tagal na nating hindi nagkita, nagtatampo na nga ako sa iyo, eh,” masayang salubong no’ng babae kay Lance at yumakap pa ito sa kaniya at humalik sa pisngi. Ni hindi nga yata napansin ang presensiya ko dahil ang buong atensiyon niya ay na kay Lance lang. “It’s nice to see you, too. By the way, this is Farah. Farah this is Angeli Acosta, the owner of this store and a close friend of mine,” pakilala ni Lance sa aming dalawa. Nang lingunin ako ni Angeli ay nakataas ang kilay nito saka ako sinipat mula ulo hanggang paa. Naasiwa tuloy ako sa uri ng tingin niya. “Sino siya, Lance?” tanong nito na halatang hindi natutuwa sa akin. Ikinapit pa niya ang dalawang kamay sa braso ni Lance saka idinikit ang katawan dito na parang may gustong ipahiwatig sa akin. “Well, let’s just say that she’s a special friend,” nakangiting sagot ni Lance. Muntik ng lumundag ang puso ko nang bigla niya akong pasimpleng kindatan. Bigla tuloy nagulo ang utak ko sa ginawa niya. “A special friend… or another bedwarmer?” sarkastikong tanong ni Angeli. “Oh, just kidding. So, how could I be of help?” pag-iiba nito. Alam kong gusto niya lang akong insultuhin sa sinabi niya. Pero hindi naman ako makakakontra dahil totoo naman ang sinabi niya. Hindi rin masiyadong nag-react si Lance dahil palagay niya siguro ay nagbibiro lang ito. Pero sa isang babae, may kutob na akong hindi ako gusto ni Angeli. “I want you to help her pick some clothes and dresses for all kinds of occasions. We also need apparel, shoes and other accessories that your store can offer,” paliwanag pa ni Lance sa kaniya. Tumatango-tango lang si Angeli habang nagsasalita si Lance. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa akin at pasimple akong iniirapan. “Alright. That would be very easy. Wait for me here and I will pick some dress and show her,” paalam nito at mabilis na umalis at nagtungo sa hilera ng mga damit. Ilang minuto lang ay may mga bitbit nang iba’t ibang damit iyong dalawang tauhan niya. “Try these first,” sabi niya sa akin. Napatingin ako kay Angeli dahil sa mga damit na ipinapakita niya ngayon sa akin. “I-I’m sorry, Angeli, pero hindi ako nagsusuot ng mga damit na halos labas na ang kaluluwa ko,” magalang na tanggi ko sa kaniya. Lalong nagdilim ang timpla niya at wari ay lalong nainis sa akin. Pero totoo naman. Hindi ko kayang magsuot ng mga gano’n. Hindi naman ako sobrang conservative pero ayaw ko lang talaga ng mga masiyadong revealing na mga damit. “Oh, my gosh, these are the trending these days!” pangangatuwiran pa nito. Kung siya sanay magsuot ng mga iyan, puwes ako hindi. Maaaring gipit kami sa pera ngayon, pero noong kalakasan ng negosyo ni Daddy ilang beses na rin akong naka-attend ng local and international fashion shows. Kaya hindi naman ako tatanga-tanga when it comes to choosing outfits to wear. “Thanks, Angeli. Pero ako na lang siguro ang titingin para hindi ka na maabala. I think we have different taste when it comes to this,” marahang paliwanag ko. Ayoko naman talagang ma-offend siya dahil ayoko ng gulo. Masiyado ng magulo ang utak ko para dumagdag pa siya. “Okay, if that’s what you want,” pairap na sagot nito sa akin. Hindi nakita ni Lance ang inasal niya at nagpatuloy lang ito sa pagsasalita. “Lance, let’s have coffee or tea in my office while she’s choosing,” suhestiyon nito kay Lance. “Will you be okay, Farah?” baling sa akin ni Lance. Tumango ako sa kaniya. “Oo naman, Lance. Huwag mo akong alalahanin, kayang-kaya ko ito,” nakangiting sagot ko. May sasabihin pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. “Girls, just do your thing, sasagutin ko lang ito dahil baka importante,” paalam niya sa amin pero sa akin lang naman siya nakatingin. Pag-alis niya ay humalukipkip agad sa harap ko si Angeli na parang mainit ang ulo. “Ipinapahiya mo ba ako kay Lance?” mataray na bintang nito sa akin. Hindi agad ako nakahuma sa tanong niya pero mas pinili kong maging mahinahon. Teritoryo niya ito at malapit sila ni Lance. Kaya kahit saang anggulo tingnan ay dehado ako rito. Baka magalit pa sa akin si Lance at parusahan ako kapag nagalit ang kaibigan niya dahil sa akin. “Ano’ng ibig mong sabihing ipinapahiya?” kalamadong tanong ko. “Parang gusto mong sabihin na hindi maganda ang taste ko sa damit. Excuse me lang ha? Nag-aral ako ng fashion sa Paris kaya alam ko kung ano’ng damit ang maganda at babagay sa tao at kung ano naman iyong hindi!” may halong galit sa pahayag nito. Napaawang ang bibig ko sa mga sinabi niya. Matinding pagkainis ang bumalatay sa maganda niyang mukha. Halos umusok na nga yata ang ilong niya sa pagkagalit sa akin. Wala naman akong ganoong iniisip, saan ba niya nakuha iyang mga ibinibintang niya? “Naku, Angeli, nagkakamali ka. Hindi ko ibig sabihing pangit ang taste mo sa damit. Hindi lang talaga ako nagsusuot ng maiikli at masiyadong hapit sa katawan na mga damit,” maayos na paliwanag ko. Na-offend ko pala siya sa pagtanggi ko kanina? Eh, ‘di magso-sorry na lang ako. “Whatever! Bakit? Gusto mong umarteng conservative? Let me inform you, hindi ikaw ang unang babae ni Lance. Marami! Kaya Huwag kang magpanggap o mag-akalang hindi ko alam kung ano ka sa kaibigan ko. Pero alam mo, may hitsura ka naman pero mukha kang boring. Kaya enjoy-in mo na ang pagsa-shopping kasi baka wala pang isang linggo itapon ka na ni Lance. You can actually buy anything you want from my store or even empty it. Para naman kapag sawa na sa iyo si Lance, eh, marami ka nang naipon hindi ba?” lantarang pang-iinsulto nito sa akin. Maging ang dalawang babaeng tauhan niya sa likuran niya ay nagtawanan nang mahina. Nakakuyom ang mga kamao ko habang nagtatagis ang mga ngipin ko sa sakit na nararamdaman ko. Daig ko pa ang paulit-ulit na sinampal sa lahat ng mga sinabi niya. Nakakadurog ng puso at pagkatao. Pero hindi ko hahayaang maliitin niya ako ng husto. Dahil kung pagsasawaan ako agad ni Lance ay mas pabor pa sa akin iyon. “Alam mo, Angeli, gusto ko sanang mag-sorry kanina dahil akala ko na-offend kita dahil tinanggihan ko iyong mga napili mong gamit. Pero ngayon nagbago na ang isip ko. Maaaring tama ka nga siguro dahil isa ako sa mga babae ni Lance, pero bakit ikaw ang nanggagalaiti? Girlfriend ka ba niya? The last time I checked, you are just his friend and nothing more,” ganting sagot ko sa kaniya. Akmang sasampalin niya ako dahil sa matinding galit na bumaha sa mukha niya nang magsalita si Lance. “So, what’s up? Akala ko marami ka nang napili pero nandito pa rin naman kayong dalawa?” nagtatakang tanong ni Lance. Si Angeli naman ay biglang nagbago ang expression at ngumiti ng ubod-tamis sa kaniya. “Oh, I am just giving her some advice on the garments she must choose,” malambing na sabi niya kay Lance at muling pumulupot sa mga bisig nito. Biglang bumait. Akala mo hindi parang tigreng lalamon ng tao kanina. “Really?” nakangiting tanong sa akin ni Lance. “Yeah. And because of that, I realized that the dresses and accessories I need are not here. Masiyadong magaganda ang mga nandito at hindi pasok sa panlasa ko,” pilit ang ngiting tugon ko kay Lance. Kitang-kita ko ang pag-asim ng mukha ni Angeli at halatang nagpipigil ng galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD