Chapter 7 The Kiss

1628 Words
“What do you mean?” nagtatagis ang bagang na tanong ni Angeli. Pilit siyang ngumingiti at ayaw magpahalatang apektado sa sinabi ko pero bigo siya. Halatang-halata kasi na bigla siya kinabahan sa desisyon ko. Pero ako ang klase ng tao na hindi binabawi ang sinasabi. Kapag nasabi ko na, iyon na talaga iyon. “Sorry, Angeli, pero wala rito iyong mga gusto kong isuot,” nakangiting paumanhin ko sa kaniya saka ako bumaling kay Lance. “Lance, can we just go to another store para naman hindi na tayo masiyadong makaabala pa rito at maasikaso naman nila iyong iba pa nilang costumer,” yaya ko kay Lance. Magpoprotesta pa sana si Angeli pero bumitiw na si Lance sa kaniya at nagpaalam. Hindi ito makapaniwala sa mabilis na pagsang-ayon ni Lance sa akin. “Thanks for your time, Angeli, but I guess we need to go now,” paalam ni Lance sa kaniya saka hinawakan ang kamay ko para umalis. “W-wait, Lance…” pigil ni Angeli. “Let’s have tea or coffee some other time, okay? We’ll go now.” Walang nagawa si Angeli kung hindi ang payagan na kaming makaalis, pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagtawag niya sa akin ng ‘b***h’ pero binalewala ko lang. Kung hindi sana niya ako tinira ng below the belt, eh, ‘di marami sana siyang benta ngayon. We spent almost four hours buying clothes, shoes, bags, accessories and many more fancy things that I don’t understand why we even have to buy. Iyong apat na bodyguards niya lahat may bitbit na mga paper bags at mga items na pinagbibili namin. Mag-aala una na pala ng hapon kaya maliban sa pagod ay gutom na gutom na rin ako. “What do you like to eat?” tanong nito nang makasakay na kami sa kotse niya. “Anything edible. Gutom na ako,” sabi ko. He laughed a little kaya hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. Ang guwapo pala talaga niya kapag masaya iyong mukha at awra niya. Ang lalim ng mga mata niya na itim na itim ang kulay, tapos ang kapal ng kilay niya na halos magsalubong na sa gitna. Tapos iyong ilong niya ang tangos at kapag ngumingiti siya ay litaw na litaw iyong magkabilang dimples niya. Hindi mo talaga iisiping kaya niyang pumatay ng tao. Pero hindi ko mababago ang katotohanang nakita ko nang gabing iyon at ang matinding takot ko sa kaniya. Pumunta kami sa isang Japanese restaurant dahil gusto raw niyang kumain ng mga pagkaing hapon ngayon. Nagpatianod na lang ako dahil sa nararamdaman kong gutom na rin ako at ayoko nang pumili pa ng kakainin. Basta kung ano’ng mayroon na malinis at maayos kainin, iyon na. “I saw the apparel you bought, and I’m impressed. I think I like your choice of clothing,” komento nito matapos makuha noong crew ang orders namin. Medyo naiilang lang ako dahil titig na titig siya sa akin habang nakangiti. Sa totoo lang ang guwapo-guwapo ni Lance. Napakaamo ng mukha niya at kahit sinong babae ay talagang maaakit sa kaniya. Hindi mo talaga iisiping kayang-kaya niyang pumatay ng tao, lalo na ng isang babaeng walang kalaban-laban. Hindi mawala-wala sa puso ko ang matinding takot sa kaniya. Natatakot ako na kapag magalit siya sa akin ay baka patayin niya rin ako. “Thanks!” tipid na sagot ko. “Actually, mahilig din ako sa mga magagandang gamit lalo na noong malakas pang kumita si Daddy, kaya kahit paano may konti rin naman akong alam sa fashion trends,” dagdag ko. Kung iisipin ko nga iyong mga ginagastos ko noon sa pagpunta lang sa ibang bansa para makipagsabayan sa panonood ng mga fashions shows at pagbili ng mga limited items na mga damit, bags at shoes, nakokonsensiya ako. Kasi ngayon ultimo isang sentimo, kailangang pahalagahan para makaraos. Kailangang pagtrabahuhan ang lahat bago makuha. “Pagbebenta ng construction supplies pala ang business dati ng Daddy mo, and you have three branches in the country…” pag-iiba nito sa usapan. “Y-yes. Pero naibenta rin lahat no’ng nagkasakit si Daddy. May cancer kasi siya tapos mahina rin ang puso niya. Kaya lahat ng pera at assets namin napunta sa pagpapagamot niya. Iyong main store na lang ang natira at mina-manage ng Kuya ko,” malungkot na pagsasalaysay ko sa kaniya. Tumango siya bilang pagsimpatya. Biglang may ideyang pumasok sa isip ko. Kung nakikisimpatya siya sa akin dahil sa awa, puwede ko siguro itong magamit para masiguro ang kaligtasan ko. Natakam ako at halos maglaway habang ibinababa na sa lamesa ang mga pagkain. Lumampas na rin kasi kami sa oras ng tanghalian kaya gutom na talaga ako. “How are you going to tell your parents when I want to meet with you?” tanong niya. Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago sumagot. Dumagundong ang dibdib ko sa tanong niya pero madali na lang namang sagutin dahil nakaisip na ako ng alibi kay mommy. “Sabi ko kay Mommy magiging personal secretary ako ng isang CEO,” simpleng tugon ko. Tumaas ang kilay nito sa sagot ko. Tumitig pa siya lalo sa akin kaya napalunok ako. Ito ang hindi ko kinakaya kay Lance. Kapag tumitig siya parang pati kaluluwa ko ay pinag-aaralan niya. Para bang lahat ng sasabihin ko ay dapat tama dahil parang alam na niya agad ang sagot bago ko pa man sabihin. “Secretary… so, now, I am a boss who is hooking his secretary?” he asked in amusement. Nakakaasiwa iyong tingin niya kaya ibinaling ko na lang sa pagkain ang mga mata ko. “Iyon lang kasi iyong dahilan na naisip ko agad. Besides, ayokong mag-alala sila sa akin kapag nalaman nila ang t-totoo…” alanganing sagot ko. Dumilim naman ang mukha niya at nagtagis ang mga bagang. Bigla tuloy akong kinabahan. Mabuti na lang at ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain at hindi na muling nagsalita. Kaya ako naman ay gano’n na lang din ang ginawa. Hanggang matapos kaming kumain at makapagbayad siya ay walang nagsasalita sa amin. “Ipahahatid na lang kita sa driver ko,” pormal na sabi niya nang makalabas na kami ng resto. “Paano itong mga pinamili natin?” tanong ko. Napakarami pa naman nito at kahit isabit ko lahat ito sa katawan ko ay hindi ko mabibitbit lahat. “I will let the maids to organize them in your room. Plus, I will be out until Wednesday morning. Let’s meet in my house on Wednesday evening.” Para akong batang nakaabang sa mga sasabihin niya. Malinaw naman ang instructions niya kaya hindi na ako nag-atubili pa. Ang totoo, natutuwa ako kasi ligtas pa rin ako dahil wala pang mangyayari sa amin. “O-okay…” sagot ko. Lumapit siya sa akin at hinaplos ang mukha ko. “Do you have any idea how beautiful you are? I can’t wait to hear your moans when I bring you your orgasms…” he said lustfully. At bago pa man ako makapag-react ay bihag na niya ang mga labi ko. He kissed me savagely like we are the only people here. Nag-aalangan ako dahil alam kong puwedeng may makakita sa amin pero parang wala siyang pakialam dahil patuloy lang siya sa paghalik at pagsipsip sa mga labi ko. Pabilis tuloy nang pabilis ang t***k ng puso ko at napakapit ako sa sleeve ng damit niya dahil para na naman akong nalalasing sa mga halik niya. Kung wala lang ang bisig niya sa baywang ko ay siguradong bibigay ang mga tuhod ko. Bakit nga ba ganito kalakas ang epekto ng lalaking ito sa akin. Yes! I hate him for what he did, pero kapag nasa ganito na kaming sitwasiyon parang nakakalimutan ko ang lahat. “f**k! I almost want to take you here…” paos ang boses na sabi niya. I find his voice sexy and it’s honestly making my body’s heat index went to a higher level of degree. Halos hirap akong i-recover ang hininga ko pagkatapos ng halik na iyon. “What happened to the nondisclosure agreement? We’re in public, right now,” hingal na akusa ko sa kaniya. Pero tinawanan niya lang ako saka hinalikan sa noo. “I just can’t help it… by the way, see you on Wednesday!” nakangiting paalam nito saka inutusan ang driver niya na ihatid ako. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang malito sa pabago-bagong ugaling ipinapakita ni Lance sa akin. Minsan ang sungit niya. Pero may mga time din na parang maalalahanin naman siya o kaya kapag tumatawa siya, parang hindi mo iisiping kaya niyang pumatay ng tao. Bahagya kong iniiling ang ulo para burahin ang alaala ng gabing iyon. Hindi ko maiwasang manginig kapag naalala ko kung paano ko nasaksihan ang lahat ng mga iyon. Pagdating ko sa bahay namin ay dumiretso ako sa kuwarto ni Daddy. Pagbukas pa lang ng pintuan ay bumigat na naman ang pakiramdam ko. Sumalubong din agad sa akin ang amoy ng iba’t ibang gamot. Ginawa naming treatment room ni Daddy iyong isang guest room namin. Bumili rin kami ng lahat ng mga medical machines na kailangan niya para hindi kailangang laging nasa ospital siya. Mabuti na nga lang din at kaibigan ni Daddy ang doctor niya kaya kahit paano ay nakatitipid din kami sa bayad. Tumabi ako sa gilid ng bed ni Daddy. Tulog ito ngayon kaya malaya akong mapagmasdan siya. My Dad used to be a very handsome man that’s why a lot of women are throwing themselves to him. Pero buti na lang mabuting tao ang Daddy ko at talagang mahal niya si mommy at ang pamilya namin. Kaya kahit maraming tukso ang umaaligid, hindi siya bumigay o nagpatinag sa mga ito. Kaya minsan naiisip ko bakit niya kailangang pagdaanan ang lahat ng ito gayo’ng wala naman siyang inaapi o sinasaktang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD