“O, nandito ka na pala. Anong oras ka dumating?” Napalingon ako nang marinig ang boses ni Mommy. Tumayo ako para yumakap at humalik sa pisngi niya bago sumagot. “Halos kararating ko lang po, Mom. Nagpasama pa po kasing mag-shopping iyong bagong boss ko,” sagot ko sa kaniya. Tumango-tango ito saka kami humarap sa kama ni Daddy. “Gano’n ba? Nagluluto ako ng carbonara for snack, request kasi ng kapatid mo. Since nandito ka na, ikaw muna ang magbantay dito sa Dad mo,” banayad na utos ni mommy. Agad akong tumango at ngumiti. “Sige po, mom,” sabi ko at tumango lang ito saka lumabas na ng kuwarto. Wala akong pending assignments ngayon kaya naisipan kong magbasa muna ng story sa Yugto app. Mula noong hindi na ako makabili ng mga libro ay dito na ako nawiling magbasa ng iba’t ibang kuwento tun

