Maya-maya ay may nagre-request na ng videocall. Bigla na namang tumambol ang puso ko dahil naalala kong may usapan pala kami ni Lance ngayon. Tiningnan ko munang mabuti ang sarili ko saka inayos ang buhok ko bago sinagot ang tawag. Nakasandal na ako nang maayos sa headboard ng kama ko nang mag-connect na ang videocall. “Hi, baby…” malambing na bati agad sa akin ni Lance. Katatapos lang nitong maligo base sa suot niyang puting roba at sa basa pa niyang buhok. Mariin akong napalunok nang masilip ang matipuno niyang dibdib na bahagyang nakalabas mula sa suot niya. Ang hot! Farah, get a grip of yourself! Remember he’s a killer and a man who is about to trample with your dignity. “Hi! Kumusta ang lakad mo?” ganting bati ko sa sinundan ng tanong. Sinigurado kong hindi manginig ang boses ko kah

