“Kanina ka pa ba?” mahinang tanong ko. Tinanggal niya ang suot na salamin at isinuksok sa harapan ng t-shirt niya. “Maybe ten or fifteen minutes,” aniya at tinungo ang kabilang bahagi ng sasakyan upang buksan ang pintuan nito. Sinenyasan na niya akong sumakay kaya mabilis akong sumunod. “Thanks,” nasabi ko pa bago niya isinara ang pinto saka patakbong tinungo ang driver’s seat. Tinulungan pa niya akong ayusin ang seatbelt ko kahit kaya ko naman. Bakit ang gentleman niya? Balak niya yata talagang baliwin ako. Tahimik lang kami habang nagbibiyahe. Gustong-gusto kong itanong kung saan kami pupunta pero naunahan naman ako ng hiya. Hahayaan ko na lang kung saan man kami pupunta. Pumasok kami sa isang underground parking lot ng isang sikat na residential area. Nang maayos na mai-park ang sa

