Kala ko dati isa syang half-filipino at half-autralian pero yun pala pure dyang austrilyano
I've been with him since collage. Ibigsabihin six years ko na syang kakilala at medyo marunong na syang mag tagalog
"why?" I suddenly asked dahil nawala na naman ako saaking sarili
"we are going now" agad nyang kinuha ang saakin ang malaking maleta
Yup! Babalik na akong pinas. We need to be there! God! Ipapasa na ni mama ang company saamin ni ate noh, alangan namang wala ako doon.
Hindi naman kasi ako marunong mag alaga ng isang kumpanya
Pero gusto ko.
Ay ang gulo ko noh? Grabe, di padin nag babago
"uhm. Alex? Do you think, your mother likes me?"
Ay kung mag tanong kala mo boyfie. CHARRR!!
Kasi ganito yan! Sya ang kasangga ko at mag aalalay sakin para makapangalaga ng isa sa mga kumpanya ni mama
Magaling kasi sya doon.
"yeah. I think naman. Mama is so friendly and besides you're a good friend of mine kaya. Yes. My mother will likes you" kibit balikat ko bago nya ako alalayan patungo sa eroplano
Gwapo sya, oo. Matangkad, oo. Madaming tinapay, oo. Lahat ng katangian ng isang magandang lalaki nasa kanya
Nag ka girlfriend sya pero namatay din dahil sa isang heart disease. Ang ganda nga nung love story nila eh.
Pano kasi nagka anak sila at ang anak nila ay nasagip ng doktor mula sa sinapupunan ng Girlfriend nitong si burn.
Four years old na ang bata ibig sabihin 22 yrs old sya nag kaanak at ngayon ay 26 na sya. Ako naman ay 24 years old ibig sabihin may dalawang taong agwat sya saakin.
"mommy!" sigaw ni Paulo or i must call na pau. Sya ang batang sinasabi ko
Kamukha ko sya dahil saakin ata nag lihi ang nanay nya—kaaway ko lagi nanay nya
Totoo yun! Si pauline—ang nanay ni pau ay masyadong maarte ultimo mukha ginagawang coloring book kaya naiinis ako at ganoon din daw sya saakin
Pero nung mabuntis sya gustong gusto nya akong nasa kanyang tabi at dahil nga nanggigigil daw sya saakin.
Agad kong binuhat si pau at nakipag fist-bomb.
"how's the ride?" tukoy ko sa cart na kanyang pinag sakyan patungo sa loob ng eroplano
"boring"
Yun nga lang, nag mana ata sa tatay
Napaka lamig kasi at minsab pa nga laging bored ang kanyang tatay sa anumang bagay. Saakin lang ata nag e-enjoy eh—sa pag lalaro ng video games—wag madumi ang isip
Natawa ako ng bigla syang sumimangot as-in yung gusot na gusot ang mukha.
"you're so cute" pinisil ko ng marahan ang kanyang ilong kaya ngumiti ito
May hawig din ito sa kanyang ama lalo na ang kilay nito. May kakapalan at yung mata nya kulang berde na nag didilaw
Sanaol!!
Hehe brown lang kasi ang akin eh.
***
Nakarating kami sa pinas at ang haba parin ng byahe. Kahit ngayon wala pading mabibilis na eroplano yung tipong pag kasakay mo baba ka na agad
Tinanong ko dati kay burn kung merong ganoon sasakyan pero tumawa lang sya at inasar ako.
Habang nasa sasakyan hindi ko mapigilan ang ma-excite. For the past eight years hindi ko nakita ang mga kaibigan ko lalo na ang pamilya ko
Nasa tapat na kami ng mansion ni mama—nag pagawa kasi sya e
Malamang sa malamang nandito ang mga kaibigan ko.
Agad akong bumaba at kinuha si pau tsaka tumakbo sa loob
"hey! Slow down! Alex!" bratinong boses ni burn ang narinig ko pero hindi kami tumigil
Kahit kinilig ako sa bratino nyang boses ay hindi ko parin mapigilan ang maging makulit
Nakarating kami sa sala ni burn at laking gulat ko ng halos lahat sila nandito. Pati nga sila nagulat din eh
"ahhhhhhhh!" pag irit ko kasabay ni tiny
Agad ko syang niyakap at ganoon din sya
"na-miss kita!" sigaw nya pero niyakap ko lang sya
"mommy" agad akong humiwalay kay tiny at marahang hinila ang walang muwang na bata
"uhmm. This is paulo simson--"
"hey! Alex, where do I put this stuffs?" tanong ni burn sa malalim na boses
Kita ko ang panlalaki ng mata ni tiny at nang iba kaya hinila ko na din si burn at pinakita sya sakanila
"ahh this is--"
"burn simson" pinutol nanaman ako ng luko na toh. Kinurot ko sya sa tagiliran
"I'm trying to introduce you here" bulong ko at narinig ang pag ngisi nya
"ayy basta. Sila ang mag ama. Si pau at burn--" naputol nanaman ako dahil sa sigaw ni mama
"asan ang apo kooooo!?" siga wnya yan habang tumatakbo patungo saamin
Agad na tumakbo palapit sakanya si pau—si pau lang ang kilala nya dahil tuwing napunta sya sa Australia ay naalis naman itong si burn
"lola! I miss you" hinalikan ni pau si mama sa pisngi
"aba! Tumangkad ang apo ko! Baka mag asawa na" biro ni mama—wala atang alam na hindi nakakaintindi ng tagalog ang bata
"sit there, burn." tinuro ko ang bakanteng upuan bago kuhanin ang dalawang maletang malaki
"ahh! Manang, padala nyo nga po ito sa guards sa kwarto ko at guest room" tumango si manang at sinunod ang utos ko
"hoy!" bulong ni tiny na ikina talon ko
"what?"
"sino yung burn? Asawa mo? Bakit may pau? Anak nyo? Hindi naman kayo kasal? Ano yun may anak na walang kasal? Eh bakit mo kasama yung burn? Don't tell me mag ha-honey--"
"gaga!" sigaw ko sakanya habang binatukan sya naman ay tumawa lang sya
"sya ba yung second character?" tanong nito na ikinataka ko
"bakit?"
"kasi gwapo sya--"
"ahh. Lahat naman ata ng second character ay gwapo. Lile levi, tobio, shoto--"
"ATSAKA SI SASUKE!" putol ni jean saakin kaya agad syang nakatanggap ng palatok
"wag ka ngang sasabat di pa ako tapos" saad ko na ikina tawa nya
"ganyan ka ba? Pagkarating mo, mananakit agad? Sadista" binigyan ko ulit sya ng palatok pero ngayon dalawa at malakas na
"jiro!" napalingon ako kay ate at nanlaki ang mata ko ng makitang malaki na ulit ang tyan nya at mas lalong nanlaki ang mata ko ng makitang iba ang kasama nyang lalaki
Gwapo ng lalaking toh ah.
"jiro! Meet luv. He is my husband" nakangiting aso si ate habang nag lalhad naman ng kamay si luv
Husband? Ibigsabihin.... Hindi si eren ang ama ng bata?!!
"hi luv" nilambingan ko talaga ang salitang luv at kukuhanin sana ang kamay nya pero tinapik iyon ni ate bago ako batukan
"aray naman! Masama bang lambingin ang bayaw? Masama?! Masama?!" pasigaw na tanong ko kay ate pero hinila lang nya si luv sa likod nya
"oo"
Ayy selosa
Sinilip ko ang natatawang si luv sa likod ni ate
"may kapatid ka ba? Lalaking kapatid?" tanong ko at tumango naman ito
Baka gwapo ang kapatid nito
"yeah. But they're married" napangiwi nalang ako dahil sa pag sagot ng matandang ito
Narinig ko ang tawanan ng kaibigan at nga pinsan ko kaya nilingon ko at tinarayan
"may pinsan ka ba? Yung hind--"
"e-ehh! Tigilan mo nga ang asawa ko! Doon ka" pag tataboy ni ate kaya napairap nalang ako
Baka maging sanhi pa ako ng pagka ganda ng kanyang baby.
"ayaw mo akong makita? Edi hindi gaganda ang baby mo?" tanong ko at hahampasin nya sana ako pero tumakbo na ako palayo habang natawa
"manang! Asan yun--"
"ito na! Itong bata na toh ang lakas parin ng boses. Hindi pa ako ganoong katanda para sigawan mo!" natatawang sermon saakin ni manag kaya ngumiti ako at kinuha ang isaw, tempura at ang pancit canton
"salamat" pabulong kong sabi pero kinurot nya lang ako ng mahina kaya tumawa ako
"wala ka bang jetlag?"
"nakuu manang. Sanay na ako" saad ko at dinala na ang pagkain sa sala
Nanonood kasi kami sa 100 inches na tv ng isang anime movie—paborito ko eh
Wala ang mag ama dahil nasa pool. Gusto kasi ni pau mag swimming, mamaya ko nalang pupuntahan
"hoy asan yung amin?" tanong ni kiem—pinsan ko kay tatay—na asawa ni mama
"kumuha kayo" kibit balikat ko at kinamay na ang tempura
"f**k you!" sigaw nya saakin na ikina tigil ko. Nilingon ko muna ang kanyang jowa bago sya sigawan
"don't you dare!! You have girlfriend so f**k her not me!" humagalpak ako ng tawa ng makita ang pag ngiwi nya
"tigilan nyo nga iyan" singit ni eren? At tumabi sya saakin tsaka nilayo si kiem
Nagulat nalang ako ng inakbayan ako nito at mas nagulat ako ng hinalikan nya ako sa pisngi
Hala! Yung puso ko!!
"welcome home" hindi parin ako makahinga ng maayos lalo na ng marinig ang kantyawan ng ilan
Taka ko syang tinignan at kung hindi lang ako matalino ay agad ko syang pinitik sa noo.
"para saan yon?" tanong nya habang nakasapo sa noo
"para sa pag halik saakin" matapang na sambit ko pero bago pa ako makapikit ay hinalikan nya nanaman ako
Hindi sa pisngi. Hindi rin sa noo. Kundi sa labi!
Sasabog na ang puso ko
Nanlaki ang mata ko at agad syang tinulak palayo. Yung first kiss ko!??
"hala!!" napatayo ako at nakota ko ang pagkagulat sakanya
"why--"
"tangi! Yung first kiss ko! Kinuha mo?!" narinig ko ang pag mumura ng ilan dahil sa sinabi ko
Totoo. First kiss ko iyon.
"tanga! May anak ka na tapos--"
"anak ko nga pero hindi ako ang biological mother" sagot ko at tinignan ng masama ang nakatitig na si eren
"ayy. Akala ko anak mo" mukhang nanghinayang pa
Wala pa ngang first kiss—na kinuha ng eren—tapos mag kakameron na agad ng salarin sa pagkawala ng V-card?
"tsss. Akala mo lang yon--"
"ibigsabihin virgin ka pa?" natatawang tanong ni carlo kaya tinignan ko sya ng masama tsaka marahang tumango
"a-ano ngayon?" grabe! Talagang nahihiya ako?
"a--" bago pa sya makapag salita ay may nag bukas na ng pinto at ipinasok noon ang nakangiting si mama
"anak! Suotin mo toh bili" agad akong umakyat sa sofa ng makita ang isang bikini habang umiilinh "bilisan mo!"
"I don't want, ma. Mag dadamit nala--"
"suotin mona" napasuko na lang ako ng sandaling panlakihan nya ako ng mata
Ilang taon kong dinasal na hindi ako bungangaan ni mama.
"oo na. Oo na. Susuotin na. Alam naman na hindi ako nag susuot ng ganito eh"
"are you mocking your mom?" tanong nya na ikina iling ko ng mabilis
"no!"
Padabog akong nag punta sa cr sa baba at nag palit nga. Kahit labag sa loob ko ay hindi ko isusuko yung mga ginawa kong ritwal para hindi na mag bunganga si mama
Nakakainis
Totoo naman kasi
Nanliliit ako
Bunganga lang pala ni mama ang makakatalo saakin
Natapos akong mag bihis at ng makita ko ang sarili sa salamin ay nanlaki ang mata ko.
"ako na ito?" tanong ko at bahagyang hinawakan ang dibdib
Mas lumaki ah
Hehe nag gi-gym kasi ako kasama si burn. Slim nadin ang katawan ko pero hindi malaki ang balakang.
Ang pangit kaya tignan ang mga malalaking balakang.
Kinuha ko yung jacket ko at binalo sa pang ibabang bahagi ng aking katawan
Lumabas ako ng banyo at agad nag tungo sa sala.
"ma! Ano?" tanong ko habang nilalahad ang katawan
"Sexy"
"pede na"
"witwiw"
Agad nakatanggap ng palatok si jean at carlo lalo na si mark—kapatid nina tiny sa ama—ng malalakas na palatok sa kanilang jowa
Napailing na lamang ako at napatingin kay mama na nakangiti
"ikaw ang kukuhanin namin na model para saating commercials"
Hala sya!
"a-ano?!"
"yup. You're our model and this guy..." tinuro ni ate si erem ".... Is your partner"