Stepsister
Nasa restaurant kami ni Papa sinundo niya ako kanina sa school sabi niya na kakain daw kami sa labas.
Kumain na ako pero si Papa hindi siya kumakain.
" Pa, akala ko ba kakain tayo pero ako lang yung kumakain eh."
" Mamaya na anak."
Napansin ko kay Papa na kanina pa siya hindi mapakali para bang may gusto siyang sabihin.
" Pa, okay lang po ba kayo? May gusto ba kayong sabihin sa akin?"
" Kasi anak... alam mo mahal ko mama mo."
" Super." One true love kaya ni Papa ang mama ko.
" At alam mo din na may nobya ako."
" Opo, si Tita Anne." Sagot ko naman.
Wala kaming secreto tinatago ni Papa kasi ako lang kaya ang kaisa-isang anak niya at buhat ng mamatay si Mama sampung taon na ang nakakaraan dahil sa car accident. Walong taon lang ako nun nung mawala si Mama. Si Papa na buong buhay niya ay nagtrabaho para sa akin at nung nakatagpo siya na bagong babaeng minamahal ay hindi na ako kumontra kasi ayaw ko naman maging kontrabida sa kaligayahan ni Papa ko kasi deserve naman niya maging masaya. Diba, ang bait kong anak.
Bigla may nagtext dito at nakangiti ito. I thinks it's Tita Anne.
" Andito na ang Tita Anne mo."
Akala ko pa naman na date namin ito ni Papa pero magiging third wheel lang pala ako. Wala na lang din akong imik.
Ang laki ng ngiti nito ng dumating nga si Tita Anne. Humalik siya sa pisngi ko at umupo paharap namin.
Isang nurse si tita Anne at si Papa naman isang financial Analyst sa isang companya ng Monte Carlo. Wala naman ako masamang tinapay kay Tita Anne dahil napakabait at mabuting babae ito. Ang alam ko may anak din itong babae na kasing edad ko pero never ka pa ito na meet. Divorced na ito sa dating asawa na Brazilian kasi naging nurse ito sa Brazil. Ang masasabi ko magkasundo kami ni tita Anne kasi very supportive din niya sa akin.
" Sweetheart, Si Rain?"
" Nasa car pa..." Sagot ni tita.
Napataas naman ang kilay ko. So, makikilala ko na ang anak nito.
" Buti naman napasama mo siya."
" Actually pinilit ko, alam mo naman na super busy ng batang iyon."
" Anak, sa wakas magmimeet na kayo ni Rain." Excited si Papa.
" Can't wait." Medyo plastic na ngiti ko. Sabay subo ng spaghetti.
" Andito na pala siya."
Napalingon naman ako sa babaeng pumasok sa restaurant na papunta sa puwesto namin. Siya!?
Oh my gahd! Isang pandak at matabang babae. Okay, I get it. May kaya sa buhay si tita Anne halata sa katawan ng Rain na ito pero napatingin ako kay Tita Anne ang gandang babae ni tita Anne hindi naman sa sinasabi ko na panget yung anak niya pero hindi talaga sila magkamukha. Ang layo po! Juice colored!
Ngumiti ako dun sa babae na iwewelcome ko sana pero nagtaka ako ng nilagpasan lang yung mesa namin at sinundan ko ito ng tingin at humalik ito sa kasamang lalaki.
Ayy! Hindi pala siya si Rain.
" There she is."
Nakuha yung atensyon ko sa isang babae matangkad siguro na sa 5'9 ang taas at napakaganda nito na parang diyosa na bumaba sa langit o di naman kaya isang super model na lumabas sa isang magazine. Yung mga tao sa restaurant ay napapasunod ng tingin sa kanya na halos mabali na nga ang mga leeg ng mga ito. Siguro nung nagsaboy ng kagandahan ang diyos ay sinalo nito lahat. Saan kaya ako nun?
Napansin ko yung foreigner na lalaki katabi ng table siguro boyfriend niya ito. Bagay sila. Sana oil.
Yung kasabayan nito sa pagpasok ay medyo may kapayatan na babae na kasing payat ko lang at hindi katangkaran pero may itchura. Sure ako ito si Rain.
Pero na magnet talaga yung mata ko kay Victoria's secret. Napasunod talaga yung tingin ko kasi nakakatula yung ganda ni ate girl.
Napakunot ang noo ko ng umupo ito sa table namin hindi sa mesa ng foreinger pero yung babaeng payat iyon yung kasama nung foreigner.
Wait, Hold on. Si Victoria Secret Girl, Siya si Rain!?
" Celine hija, I want you to meet my only daughter Rain. Rain, siya si Celine anak ng Tito Richard mo." Tita Anne introduced each other.
Bigla ako nakaramdam ng hiya at na conscious.
" Hi..." Bati ko.
Nawala yung ngiti ko ng matalim ng tingin ang pinukol niya sa akin. Hindi man lang ito ngumiti. She shows no emotion.
Maganda sana pero mataray lang.
" Ano bang pag-uusapan natin?" May pagkasuplada nito.
Nagkatinginan yung mga magulang namin.
" Matagal na namin ito pinag-usapan. Alam niyo din na mahal na mahal namin ang isa't-isa." Hinawakan ni Papa ang kamay ni Tita Anne.
" Gusto din namin na bigyan kayo ng buong pamilya."
Parang alam ko na yung sasabihin ni Papa kaya kinakabahan ako.
" Magpapakasal na kami."
Hindi na ako nagulat kasi nga may kutob na ako.
" Congrats Papa.. Tita...." Masaya ako para sa kanilang dalawa.
Tumayo bigla si Rain sa kinaupuan niya. Galit ba siya na magpapakasal yung mga magulang namin? Ayaw ba niya sa Papa ko? Aba! Ang swerte kaya ni tita Anne dahil ang bait bait kaya ng Papa ko.
" Rain, Saan ka pupunta? Ayaw mo ba kay Tito Richard mo para sa akin?" Pigil ni tita.
" Sweetheart, okay lang." sabi ni Papa pero naisip ko na wag lang niya talaga pagsalitaan ng masama at insultohin ang Papa ko hindi talaga ako magdadalawang isip na awayin siya.
" I've nothing against to your relationship with Tito Richard. You can do whatever you want. Marry who you love." Still no emotion.
" Salamat hija." Ngiti ni Papa.
Ibang klase talaga itong soon to be stepsister ko.
" Aalis na ako dahil may training pa ako."
Nang makapagpaalam na ito ay umalis na siya pero nag excuse ako kina Papa na mag CR lang pero ang totoo ay sinundan ko sa labas si Rain.
Pasakay na ito sa kotse.
" Rain..." Tawag ko. Natigilan naman ito at isinara muli ang pintoan ng kotse saka ako hinarap.
Napaka intimidating talaga ng dating nito.
" Wala tayong karatapatan hadlangan yung kaligayahan ng mga magulang natin. Sana maging masaya na lang tayo para sa kanila."
" Wag kang plastic, stepsister." Pagbigay diin nito sa akin.
Napatanga na lang ako sa sinabi niya sa akin. Sinabihan ba niya akong plastic!? Kumukulo na yung dugo ko dito pero pilit ko lang talaga pinapakalma yung nararamdaman ko kasi iniisip ko na hindi na lang ito papatolan dahil magiging stepsister ko ito.
" Hindi plastic yun, totoong masaya ako para sa kanila dahil napakabait ng mama mo. Sana, ikaw din ay gusto mo din makita masaya ang mama mo. Diyan ka na nga."
Tinalikoran ko na nga ito bago pa ako ma high blood dito. Anong akala niya papasindak ako sa katarayan niya. Kung gaano kabait ni Tita Anne ay ganun din kasungit nung anak niya. Magpasalamat pa nga siya dahil napakabait ko sa kanya
*******************************
Dalawang linggo na ang nakalipas ng maikasal si Papa at Tita Anne sa huwes syempre mga close family lang namin ang invited.
Buhat nun ay lumipat na kami sa mas malaking bahay kailangan ko na din sanayin yung sarili ko na may bagong asawa na si Papa at may stepsister pa ako na walang kasing sungit.
Hindi pa kami nagkakasama ni Rain dahil hindi pa naman ito umuuwi sa bahay sabi ni Tita Mommy na gusto mona daw nito sa condo. Ang sabihin niya na hindi pa niya kami natatanggap bilang parte ng pamilya.
Nung makita ko yung mga picture frames na dinala ni Tita mommy sa bahay doon ko din nalaman na si Rain ay isa pala itong tennis champion. Ang malupit pa dun nakasali na pala ito sa Top 8 International Tennis Federation Junior Masters sa edad na 14. Oh diba, iba din si ate gurl mo ehh.
" Ano na besss, natulala ka diyan. Kamusta yung kasal ng Papa at tita Anne mo." Tanong ni Jelay. " Sorry, hindi kami nakapunta sa kasal."
" Oo nga besy, sorry talaga."
" Okay lang." Maiksing sagot ko. Na taon kasi na may kanya kanya din sila mga lakad kasama mga pamilya nila.
" Mahirap ba mag adjust na all of a sudden may stepmother ka na?" Interesadong tanong ni Mich.
Silang dalawa ay maituturing ko matatalik kong kaibigan kasi magkaklase na kami simula pa nung first year high school hindi na kami nagkakahiwalay tatlo. Sila lang din nakakaalam sa mga problema ko.
" Medyo... kasi alam mo yun dati kami lang dalawa ni Papa sa bahay pero mabait naman si tita mommy at masaya si Papa sa kanya. Iyon naman yung importante." Sabi ko.
" Good morning, Class." Umayos na kami ng upo ng dumating si Ma'am Diane. " I'm sorry I'm late galing kasi ako sa principal office."
" Principal office po ma'am? May nagawa po ba kaming violation?" Tanong ni Jelay.
" Wala naman. Nagpunta ako sa office para sunduin yung bago niyong kaklase." Pagkasabi nun ng teacher namin ay nagtinginan na kami ng mga kaklase ko.
" Meron tayong bagong kaklase?" Takang tanong ni Mich.
" Diba, super late na kung mag transfer pa papasok na kaya yung pre-finals." Sabi ko.
" Baka naman kasi mayaman binayaran diba!?" Wika ni Jelay.
" Pwede pwede..." Tumango tango din kami. Maari binayaran kaya pumayag ang school na tanggapin ito kahit super late na.
" Please... come in."
Lahat kami ay nakatingin sa pintoan inabangan ang pagpasok ng bagong kaklase namin. Nagpapa-suspense pa dahil ang tanging narinig namin ang yabag ng takong nito.
Babae? Si newbie!? At naka-heels.
" Woooaaaahhh!!!"
Biglang nagsigawan yung mga kaklase ko pero ako ay parang huminto yung mundo ko at nanlaki ang mga mata sa gulat ng makita kung sino yung pumasok sa classroom namin at magiging kaklase.
Rain!?
" Ohhh my gahd!!! Bhe! Si Rain Dela Merced!" Sigaw ni Jelay halos mabingi na nga ako at hinihila ang manggas ng damit ko sa tuwa nito.
" Yung damit ko mapupunit!" Reklamo ko.
" Ohh gosh!!!! Sh*t Ang ganda niya!!!" Wika ni Mich.
Nanahimik lang ako dito sa upuan ko kahit yung mga kaklase ko ay super nagwawala na dahil kay Rain.
" Class... be quiet." Tumahimik naman sila nakinig naman kay Ma'am. " Please, introduce yourself." Sabi ni Ma'am kay Rain.
Napabuntong hininga mona ito at nagtama yung mga paningin namin ng mahagip niya ako sa mata niya. Nabasa ko sa expression sa mga mata na hindi din nito inaasahan makita ako bigla naman ako umiwas at yumuko.
" I'm Rain Dela Merced, 18 years old. Your new classmate."
Ang alam ko galing ito sa international school pero ngayon lumipat na ito sa school namin private pero hindi masyadong sosyal yung tama lang.
Sa pagkakaalam ko ayaw niya lumipat ng school na pinagtatalunan nga nila ito ni tita mommy.
Nagpalakpakan ang mga kaklase ko na very responsive nila.
" Ma'am, totoo ba na kaklase talaga namin si Rain baka pinaprank niyo lang kami." Sabi ni Brian.
" Bakit ko naman kayo ipaprank!?" Sagot naman ni Ma'am. " Sige na, Rain umupo ka na."
" Rain... tabi tayo."
" Dito Rain."
Inooffer na nila yung mga upuan nila kay Rain makatabi lang ito. Madami naman vacant chairs kasi pang 32 naman kasi siya pero dumiretso lang siya sa pinakadulo na upuan na malapit sa bintana.
Nung mag lunch break ay si Rain ang ulam ng kwentohan sa buong school. Madami hindi makapaniwala.
" Ngayon lang ako naging so proud sa section natin dahil kaklase natin si Rain Dela Merced." Sabi ni Jelay.
" Bakit kaya siya lumipat ng school natin?" Interesadong tanong ni Mich.
" May nahagip akong tsimis na kaya pala lumipat si Rain dito ay dahil may stepsister siya nag-aaral sa school natin."
Natigil ako sa paghigop ng milk tea ko. Nabaling naman ang tingin ko kay Jelay doon sa sinabi niya.
" Really!? May stepsister siya dito? Sino kaya!?"
Napalunok naman ako kasi hindi ko pa kasi sinabi sa kanila ang tungkol kay Rain.
" May sasabihin nga pala ako sa inyo." Panimula ko.
" Ano yun?" Sabi ni Jelay.
" Ano kasi... Wag sana kayong magalit sa akin. Ang totoo niyan... si Rain... Si Rain ay stepsister ko."
" Huwaaat!?" Nagsabay pa silang dalawa. Pinagtitinginan tuloy kami dito sa cafeteria.
" Sshh... Wag kayong maingay."
" Stepsister mo si Rain Dela Merced?" Bumaba na boses nito at pabulong na lang sinabi.
" Oo."
" Oh my gahd! Ang swerte mo naman, besy."
" Tss, at bakit naman ako swerte?"
" Haleeer! That's Rain Dela Merced ang sikat na tennis player sa bansa natin. Who happens to be your stepsister." Sabi ni Jelay.
" Bakit ngayon mo lang sinabi sa amin?" Tanong sa akin ni Mich.
" Nagtanong ba kayo?" Binalik ko sa kanila yung tanong namimilosopa lang.
" Oo nga naman, hindi kasi tayo nagtanong Mich."
" Ang totoo niyan, bago ko lang din naman nalaman na stepsister ko siya. Alam ko may anak si tita mommy pero hindi ko din naman alam na si Rain pala yun kasi bago lang naman din kami nagmeet." Paliwanag ko sa kanila.
Natigilan lang kami ng makita namin si Rain kasama ang principal namin at si Coach Jeff sa tennis. Papunta ata sila sa tennis court.
Nagpunta ako sa tennis court gusto ko kasing silipin yung stepsister ko pero hindi ko naman siya nakita. Kundi sila Banjo lang at yung ibang tennis player lang ang andito.
Baka umuwi na siya kaya uuwi na din ako. Madami pa akong assignments gagawin.
" Celine!"
Patalikod na ako ng may tumawag sa akin kaya lumingon ako. Napangiti ako makita ang kababata ko si Banjo na galing pa ata sa tennis practice niya. Isa kasi itong student athlete. Ito nga yung pambato namin sa tennis.
" Hinahanap moko?"
" Kapal ahh, hindi napadaan lang ako."
" Sabay na tayo umuwi?"
" Amh... lumipat na kasi kami, Banjo."
" Talaga? Edi, mas kailangan kita ihatid para naman malaman ko kung saan na nakatira yung bestfriend ko." Akbay niya sa akin.
" Bitawan mo nga ako. Amoy pawis ka." Pabirong sabi ko.
" Arte mo ahh."
Ganito talaga kami ni Banjo magbiroan wala na kami hiya-hiya dalawa. Kumportable na kasi kami sa isa't-isa kung sila Jelay at Mich ay mula high school friends ko na si Banjo ay mula grades school kami dalawa na magkasama yung papa niya at papa ko ay matalik na magkaibigan. Sabi nga nila Jelay at Mich personal bodyguard ko daw si Banjo at minsan nga napapagkamalan pa nga kami mag jowa.
" Yung stepsister mo sasali ng team namin." Panimula nito. Alam naman kasi niya ang tungkol kay Rain dahil andun ito sa kasal.
" Nagkalaro kayo kanina? Magaling ba talaga siya?" Interesadong tanong ko.
" Hmm, hindi ehh. May attitude ata yung stepsister mo. Wala sa mood kanina imbes na mag practice kami nagsicellphone lang siya sa tabi. Ganun talaga yung rich kid."
" Hayaan mona yun baka naninibago lang." Sabi ko.
" Hindi ka ba nun sinusupladahan sa bahay? Kasi mukha siyang mataray."
Hindi lang talaga mukhang mataray kundi mataray talaga. Sigaw ng isip ko.
" Hindi siya sa bahay namin nakatira nasa condo niya."
" Lumipat ba siya sa school natin dahil gusto niya?"
" Sa tingin mo ba na gusto niya dito? Kaya lang naman lumapit si Rain dito dahil desisyon ng parents namin yun. Kaya wala siyang choice."
Meron naman akong scooter yun naman lagi ko ginagamit pang service ko sa school na iregalo ni Papa sa akin nung 16 years old ako at ganun din si Banjo gumaya siya sa akin.
Sumunod talaga si Banjo sa akin para ihatid ako sa bahay namin.
" Andito na ako kaya umuwi ka na." Hindi naman halata na tinataboy ko ito.
" Grabe ka naman, hindi mo lang ba ako iimbatahan sa loob?"
" Biro lang, halika na."
May susi naman ako sa bahay namin kaya malaya ko lang pinapasok si Banjo.
" Malaki yung bahay niyo."
" Malaki nga pero ako lang naman lagi tao dito sa bahay. Mamayang gabi pa kasi sila dadating galing trabaho."
Kinuha ko sa bag yung susi ng bahay pero hindi ko pa iyon i unlock ay gumalaw yung doorknob. Napakunot ang noo ko napatingin kay Banjo bigla ako kinabahan na may tao sa loob ng bahay namin.
Akmang bumukas yung pinto at yung dala kong libro ay hinampas ko sa taong iyon.
" Magnanak---aw..." Nanlaki ang mga mata ko sa taong nakita ko.
Si Rain!?
Hindi ko inasahan na andito ito mismo sa bahay.
" Oh my gahd!" Napalunok ako ng ma realized yung ginawa ko kanina hinampas ko ito sa ulo ng mga libro ko. " I-I'm sorry." Nahiya ako sa ginawa ko at yung reakyon ng mukha niya ay plain pa din. " Amh... A-Anong ginagawa mo dito?"
" How rude... ganyan mo ba iwewelcome ang stepsister mo?" Pagsusuplada nito.
" Ayy, h-hindi naman sa ganon..." Gusto ko magpaliwanag kasi baka iba yung magkaintindi nito kanina.
" Nevermind." Tinalikoran na niya kami.
Napasapo tuloy ako sa noo ko. Mali na naman ako! Kasi naman nataranta kasi ako. Nakita namin na umakyat na ito sa taas.
" Halika pasok ka." Sabi ko kay Banjo.
" Uuwi na lang ako, Celine."
" Huh? Akala ko ba gusto mong pumasok?"
" Next time na lang, kailangan niyo mona mag-usap ng stepsister mo."
" Oo nga ehh."
" Sige, kita na lang tayo sa school at saka kung may problema man wag kang magdalawang isip na tawagan ako."
Napangiti ako sa sinabi ni Banjo. " Sige, ingat ka pauwi."
Isinarado ko na yung pintoan. Napatingin ako sa taas kung saan baka nasa kanyang kwarto si Rain.
" Dito na kaya siya titira?" Tanong ko sa sarili ko.
********************************
Nagsabay-sabay na kami kumain ng hapunan.
" Masaya ako hija na andito ka na ngayon sa poder namin." Panimula nito.
" Pumayag ako tumira dito dahil may pinag-usapan kami ni Mom na sa susunod na taon papayag na siya pumunta ako ng Brazil. Diba, mom?"
Nakita ko yung lungkot sa mga mata ni tita mommy ng tumango.
" Isang taon ka mona dito kasama namin saka lang ako papayag na pumunta ka ng Brazil." Sabi ni tita mommy.
" Deal."
Napaka sensitive talaga ng babaeng ito.
Nasa harap ako ng pintoan ng kwarto ni Rain. Actually, magkatapat lang yung kwarto namin dalawa.
Kumatok ako pero wala akong narinig kaya ng hawakan ko yung doorknob ay hindi naman pala iyon naka locked kaya pumasok na ako.
Ayon nakita ko siya nakaupo sa study table niya at napakunot ang noo ng makita ako. Tinanggal nito ang headset na nakakabit sa tenga nito.
" What are you doing here?" Striktang tono nito.
" Gusto ko lang sabihin na masaya ako na nandito ka ngayon sa bahay dahil alam ko masaya si tita mommy."
" So, close na talaga kayo ng mommy ko?" Nagsisimula na naman ito magmamaldita.
" Oo, dahil mabait si tita mommy. Ayaw mo ba na magkasama kayo ng mommy mo?"
Kinabit nito ang headset sa tenga niya kaya itinigil ko na ang pakikipag-usap nito dahil nagsasayang lang ako ng laway.
" Brat." Bulong ko na lang sa sarili ko. Hindi naman niya iyon maririnig.
Nakakainis talaga siya!
" Bakit ba ang maldita niya sa akin? Siya na nga ito pinapakitaan ng kabutihan. Kung ayaw niya sa akin. Eh, di huwag!
Paglabas ko ng kwarto nito para bumalik sana sa kwarto ko ay natigilan ako ng marinig ko si Papa at tita mommy na parang nagtatalo.
Hindi ko naman sinadya na marinig sila kasi nakabukas naman konti yung pintoan.
" Bakit ka pumayag na malayo sa atin si Rain?" Si Papa na mukang stress na.
" Yun lang ang way ko para mapasunod ko si Rain para tumira siya sa atin."
" Sana kinausap mona lang yung bata."
" Kilala ko yung anak ko."
" At sa tingin mo ba na magwowork yung plano mo?"
" Magtiwala ka sa akin, sweetheart. Ipaparamdam natin kay Rain na mas mag-eenjoy siya dito sa Pilipinas dahil sa atin. Dahil... tayo ang pamilya niya." Ngayon alam ko na kung bakit ba talaga tumira si Rain dito sa bahay.
" Sabi mo nga pamilya tayo at ang ayoko lang na may isa sa pamilya ko ang aalis."
Bumalik na lang ako sa kwarto ko matapos ko marinig iyon.
Nauna ako pumasok sa school. Alam ko din naman na ayaw akong kasabay ni Rain kaya hindi ko na lang din siya hinintay noh!
Nagtaka pa ako ng makita ang aga ng mga boys namin. Lahat ay ayos na ayos naamoy ko pa nga yung mga naghahalong pabango nila.
" What happened?" Tanong ko kina Jelay at Mich.
" Nagpapapogi kasi sila para daw kay Rain. Ganda kasi ng stepsister mo." Sagot ni Jelay.
" Hindi ba kayo nagsasabay pumunta ng school?" Tanong sa akin ni Mich.
" Hindi... kasi hindi naman kaming close. We don't mind each other's business." Sagot ko.
" Ooohhhhh" Nag heart heart na yung mga mata ng mga boys ng biglang dumating si Rain.
Ako yung nahihiya sa pinapakitang paghanga nila kay Rain kasi para naman kasi silang tanga na nagkakagulo.
Hindi nga ako tinapunan ng tingin ni Rain ng pumasok ito sa classroom parang wala nga tao sa paligid niya. Naka poker face lang siya lagi. She doesn't show any emotions.
Sinundan ko lang ng tingin si Rain. Napapansin ko din na parang araw-araw ay gumaganda siya lalo na kapag natitigan mo na siya. Hindi nakakasawa na ganda. Kainggit nga eh!
Dumiretso na ito sa kanyang upuan at nakatingin na siya sa labas ng bintana. Ganun yung routine niya. She's very distant. Naiintindihan ko din naman dahil nga baka siguro nag-aadjust pa din siya sa new environment.
Dumating na yung teacher namin sa math at may pa surprise quiz ito. Syempre inaalala ko si Rain kasi malamang hindi niya alam.
" Sir... bukas na lang tayo mag quiz. Hindi po kami nakapag study." Reklamo ni Beka na sumang-ayon naman lahat.
" Kayo na kaya maging guro ang dami niyong alam ehh. Hindi na kayo nasanay na may pa surprise quiz ako. Saka napakadali lang yan. Mga matatalino kaya kayo."
" Yan yung gusto namin sa inyo sir ehh! Bilib kayo sa amin." Inuuto lang naman nila si Sir.
Ibibigay ko na lang yung notes ko kay Rain mamaya pagkadating sa bahay. Gusto ko sana pakopyahin ito pero ang layo naman niya sa akin.
Focus na ang lahat sa pagsagot ng quiz. Hindi naman ako ganun ka talino, sakto lang.
" Bes, nakalimutan ko yung ibang formula dito. Putang-ina naman ohh." Sabi ni Jelay.
" Ako nga din ehh." Mahinang sagot ni Mich.
Narinig ko mahinang nag-uusap si Jelay at Mich sa likod ko.
Wala pang 10 minutes ay tumayo si Rain at pinasa ang papel niya kay Sir. Tapos na siya!?
Pagkatapos magpasa ng papel ay bumalik muli sa kanyang upuan.
Nakita ko chini-check ni Sir yung papel ni Rain. Nakakunot ang noo nito malamang mali ang lahat na iyon. Paano niya malalaman eh, huli na ito pumasok sa klase namin.
Half hour na kami sinasagot yung pasulit ni Sir. Isa-isa na din kami nagpapasa ng papel ng tapos na. Chinicheck na lang ngayon ni Sir.
" Ang hirap naman ng quiz na iyon." Yun ang mga naririnig kong reklamo ng mga kaklase ko.
" Sinabi mo pa. Celine, sa tingin mo ba tama yung sagot ng stepsister mo?" Wika ni Mich.
" Kaya nga, siya pa nga unang nagpasa. Tayo nga dito nangangamote sa kakasagot." Sabi ni Jelay.
" Sana." Yun lang ang nasabi ko sabay sulyap kay Rain na nakatingin sa labas ng bintana.
" Rain Dela Merced?" Natigilan naman ako ng tawagin ni Sir si Rain. Tapos na ata ito mag check ng papel namin. My gahd, mapapagalitan ata siya at mapapahiya. " Got the perfect score."
" Wooaaahh!" Lahat ay nagulat.
Nanlaki yung mata ko kasi hindi kami makapaniwala. Napatingin kami lahat kay Rain pero nanatili lang siyang tahimik na parang walang naririnig.
Pinalakpakan siya ng buong klase syempre kasali na ako dun. Siya pa yung unang natapos at siya lang din ang naka perfect sa amin.
" Ang amazing noh! Very smart. Good job! Dela Merced." Puri ni Sir. " Good job din kayo kasi lahat kayo ay pumasa sa surprise quiz ko."
" Sana all." Sabi ni Jelay. " Ang talino naman pala ng stepsister mo."
Super na amazed ako sa kanya ngayon. Mukang wala lang siyang paki alam pero meron naman pala.
Pagdating sa bahay ay naglinis ako ng room ko. Inaayos ko kasi yung mga nakakalat na mga books ko.
Tok~Tok
" Pasok..."
Natigil ako ng pumasok si tita mommy.
" May kailangan kayo tita mommy?"
" Magpapasama sana ako sayo pero mukang may ginagawa ka pa."
" Ayy, tapos na po ako maglinis kaya okay lang po. Saan po ba tayo pupunta?"
" Kukunin ko kasi yung mga gamit ni Rain sa condo."
" Ohh s-sige po."
Sinamahan ko nga si tita mommy. Papunta sa condo ni Rain.
" Marunong ka ba magmaneho?" Tanong ni Tita mommy sa akin habang nagmamaneho siya.
" Hmm, hindi po. Wala kasing time si Papa na turuan ako. Busy kasi siya sa trabaho."
" Ehh, Sinong nagturo sayo magmaneho ng scooter?"
" Si Banjo po yung kababata ko siya po yung nagturo sa akin kaya po nung natutu ako binilhan ako ni papa ng scooter." Kwento ko.
" Wag kang mag-aalala dahil pag day off ko tuturuan kita magmaneho ng kotse o hindi naman kaya papaturuan kita kay Rain."
" Po? W-Wag na po. O-Okay lang po." Tanggi ko agad. Kinabahan ako agad ng sinabi ni tita mommy na si Rain ang magtuturo sa akin. Bahala na hindi ako marunong magmaneho ng kotse wag lang ako magpaturo kay Rain.
Maya-maya ay dumating na kami sa building kung saan nakatira si Rain.
Nakasakay na kami ng elevator papunta sa floor ng condo ni Rain. Nakasunod lang ako kay tita mommy may dala-dala kaming mga boxes na lalagyan namin ng mga gamit ni Rain.
Pagpasok namin sa condo ay namangha naman ako kasi maganda at malaki naman yung space.
Malinis naman pala siyang tao. Ang expected ko kasi magulo at makalat ang condo nito pero lahat naka-organized.
" Alam mo ba, itong condo na ito ay regalo ng daddy niya nung nag champion siya sa tennis. Her dad also a tennis player iyon na din yung sports na gusto niya pero ewan ko ba bakit ayaw na ng batang iyon maglaro ng tennis."
Nasa room kami ni Rain kinukuha namin yung mga damit niya.
" All of a sudden? Bakit po?" Interesadong tanong ko.
" Hindi ko alam eh. Hindi naman iyon nagsasabi sa akin kung bakit. Ang naalala ko nag dinner kami dalawa. Kinausap kasi ako ng coach niya dahil ayaw na nga daw maglaro ni Rain. Tinanong ko siya kung bakit siya nag quit sa team. Ang sabi lang niya I don't want to play anymore. But I know, She loves to play tennis."
" Tita mommy sorry kung ma offend man kayo sa tanong ko. Hindi po ba kayo close ni Rain? o di naman kaya naging mailap siya sa inyo dahil sa amin ni papa?" Iyon kasi ang napapansin ko kay Rain. Mailap silang dalawa.
" No hija, Wag mong isipin iyan. Hindi dahil sa inyo. Ang totoo niyan. We're very close lalo nung bata pa ito. Mommy ng mommy iyon pero ngayon kasi... She's very independent parte na ata iyon sa pagiging brazillian niya ang maging independent. Pinapakita niya sa akin na kaya na niya yung sarili niya pero lagi ko pa din pinaparamdam sa kanya na kailangan niya ako dahil nanay niya ako at anak ko siya kahit gusto niyang lumayo sa akin ipagpipilitan ko pa din yung sarili ko sa kanya. Kasi nanay ako eh." Naluluha naman si tita mommy.
" Pero... bakit po pumayag kayo sa gusto ni Rain na pumunta ng Brazil?"
" Yun lang kasi ang paraan ko para at least makasama ko siya. Maalagaan at mapagsilbihan kahit ayaw na niya ginagawa ko iyon sa kanya."
So, yun na nga yung narinig ko pag-uusap nila ni Papa.
Napangiti naman ako kasi naramdaman ko talaga yung pagmamahal niya kay Rain. Iyon siguro talaga yung tinatawag nilang Mother's love.
Nang makuha na namin yung mga gamit may mga naiwan pa naman iba pero doon na lang daw mona iyon.
Nauna na si tita mommy lumabas para salubongin yung bell boy na tutulong sa amin sa mga gamit.
Nang nahinto ako sa nakitang portrait ni Rain na nakasabit sa dingding. Napakaganda niya pero may kulang dahil hindi man lang ito nakangiti. Napakaseryoso ng mukha niya pero yung mga mata niya na malungkot ay iyon talaga ang napansin ko.
" Bakit ba ang lungkot lungkot ng mga mata mo? Ano ba ang kwento mo?" Napapatanong na lang ako sa portrait niya.
" Celine?"
Tinatawag na ako ni tita mommy kaya nagmadali na ako lumabas pero kinuha ko mona yung tennis racket niya na nasa likod ng pintoan.
" Let's go?"
" Okay po."
Nilisan na namin ang condo ni Rain. Kailangan ko na din talaga tanggapin na magsasama kami ni Rain ng isang taon sa bahay. Good luck na lang sa akin.