Nag-aalala ako naghihintay kay Rain sa labas ng Dean's office kasama niya sa loob si Banjo. Hapon na nung pinatawag sila para kausapin tungkol sa nangyari kanina. Hindi ako mapakali dito sa upuan ko. Kinakabahan kasi ako sa maaring parusa ibigay sa kanila sa ginawa nilang gulo. Paano na lang kung malaman ni Papa, tita mommy at tito Niel? Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. " Bessy... Ano ba nangyayari kina Rain at Banjo? Yung stepsister mo at bestfriend mo nag-aaway. Hindi lang nag-aaway kundi literal na nagsuntokan." Curious na tanong ni Gelay. " Pinag-uusapan na sila sa buong campus?" Mich stresses out. Napahilamos ako sa mukha. Lalo bumibigat yung nararamdaman ko dahil wala man lang ako napapagsabihan ng problema ko. Nagi-guilty ako napatingin kina Gelay at Mich na alam ko n

