"Sorry, I'm late." dumating si Prof. Dexter na pawis na pawis. Habang nagpupunas siya ng pawis gamit ang panyo niya ay hindi nakalagpas sa akin ang mantsa ng dugo sa may ilalim ng longsleeve niya, malapit sa kamay. Alam kong dugo iyon, pulang pula pa. Tinititigan ko lang siya at pinapanood ang kaniyang ginagawa nang kulbitin ako ni Sofia.
"Titig na titig ka." sabi niya sakin. Hindi ko na lang siya sinagot at hinintay na magturo si Prof. Dexter.
Mag-uumpisa na sana siya maglesson nang dumating si Wilbert na nagmamadali.
"Sorry, I'm late prof." pagkasabi non ay siya namang dating ni Dean.
"Inutusan ko kaya late. Papasukin mo na." tumango naman si Prof kay dean kaya pinaupo na niya kaagad si Wilbert.
"San ka galing?" agad tanong ni Ethan kay Wilbert. "Dyan lang inutusan ako ni Dean bumili malapit sa cafeteria diyan." sagot naman ni Wilbert kay Ethan.
Nakinig na lang kami kay Prof. Dexter dahil mageexam na rin kami next week.
"May alam ba kayo na lugar kung saan pinagtaguan o tinirahan ng Japanese noong World War II?" tanong niya sa amin. Marami naman ang nagtaas ng kamay at isa isang sumagot. Marami silang binigay na halimbawa.
"Yung sa Baguio, Prof. yung White House?" sagot ni Kylie.
Agad naman napangiti at tatango tango si Prof.
"Very Good. Isa din yan sa kilala." huminto na muna siya saglit. "Gusto niyo ba malaman kung mayroon nga bang nagpaparamdam doon?" agad naman nagtanguan ang kaklase ko. Akala ko ay magtuturo lang siya, hindi naman niya kami ininform na mahilig siyang manakot.
"White House in Baguio was built in the 1920s kung saan ginawang lugar p*****n o pagpapahirap sa Pilipino. Dahil nga marami nang namatay roon, may mga nagsasabing may nagpapakita, may nagpaparamdam. Kayo ba naniniwala kayo roon?" tanong niya sa amin. Nagtanguan naman ang mga kaklase namin.
"Ikaw Wilbert? Naniniwala ka ba don? Diba may lahi kang Japanese?" biro ng isa naming kaklase at inambaan lang siya ng suntok ni Wilbert.
"Okay okay. Isa pang tanong, hanggang ngayon ba tingin niyo may mga naiwan pang kaluluwa roon? O di kaya'y may mga masasama nang espirito ang nakapaloob sa bahay?" may nagtaas ng kamay, isa sa mga kaklase namin na mahilig din sa horror stories. Bakit ba kailangan aralin pa 'tong history tas mananakot? Ano ba ang makukuha namin dyan?
"Para sakin Prof., masasama na ang nandon. Syempre sa sobrang tagal na non may halo nang spirits don. Hindi ba bali-balita na kapag nagpupunta doon, yung iba sinasapian pa? Atsaka Prof hindi ako nainiwala na may good spirits e." sabi ng kaklase namin.
Tumango tango lang si Prof.
"Ikaw Aly? Any thoughts?" ako na naman ang napansin ng isang to.
Tumayo ako at lahat sila ay tumingin sa akin. Hindi ako fan ng horror stories kaya wala akong masyadong alam atsaka history naman to at hindi katatakutan. Ang dami dami nang nangyari sa amin mula nang mawala si Dainty, kung ano-ano na ang naririnig at nakikita namin.
"Depende. Siguro nandon yung mga spirits na hindi pa tanggap na nawala sila, na pinatay sila ng masamang tao ng walang kalaban laban." matalim kong tinignan sa mata si Prof. Dexter at tinanguan niya ako. Sinenyasan niya akong umupo na. Hanggang sa makaupo ako ay nakatingin lang ako sa kanya.
"Tama rin." Komento niya sa aking sagot.
"Lahat ng sagot ninyo ay posible. Bakit ko nga ba ito naitanong?" ngumiti pa siya sa amin.
"Creepy ampota." bulong ni Kevin kay Sofia na narinig ko naman.
"Kaantok naman ng topic nato." bulong naman ni Ronnie na katabi ko ngayon. Humikab siya at nag-inat ng nakatalikod si Prof at ipinatong ang kamay sa likod ng upuan ko. Halatang antok na antok nga sya dahil halos gusto na niyang isandal ang ulo niya sa balikat ko.
"Aray!" nagulat kami ng magreklamo si Ronnie. Napatingin si Prof sa amin. "Sorry po, Prof. Kinagat lang po ako langgam nabigla ako hehe."
Pagkatalikod ni Prof ulit dahil may isinusulat siya sa board ay agad may pinulot si Ronnie na papel at binuklat iyon.
"Tangina. Sino bumato sakin ng papel na may bato?" mahina lamang yon na halos kami lang dalawa ang nakakarinig. Napatingin kaming dalawa ng tumawa sila Ethan.
"Mukhang alam ko na kung sino." sabi sa akin ni Ronnie. "Seloso amp." sabi niya ng ibato niya ang napulot niya kila Ethan.
Natahimik lang bangayan at batuhan ng papel na may bato yung dalawa nang humarap na muli sa amin si Prof. Mula sa whiteboard ay kita ang mahaba niyang sinulat na animo'y LSM.
"Wooooah!!" react agad ng kaklase namin na mahilig sa horror stories. Wala pa nga masyado kang atat!
"So as you can see in our whiteboard, we have a fieldtrip next month." tumigil si Prof. sa pagsasalita nang mapansing bukas ang pintuan. Isinara niya iyon. "Sabing isasara ang pinto class. So let's continue, ito na nga, magkakaroon tayo ng fieldtrip and ito ay para sa ating history class. So sino ang mga gustong sumama?" tanong nito sa amin.
Karamihan ang tumaas ng kamay. Kaming magkakaibigan ay hindi nagtaas dahil nga sa mga nangyayari sa amin. Hindi namin alam kung sa amin lamang ba nangyayari yung mga kababalaghan kuno dahil sa nakasama namin si Dainty noong mga araw na halos nagdudusa siya sa kung ano man ang nangyari sa kanya. Ano nga ba ang connect namin sa kanya?
"Para sa akin, ayoko nito dahil kamamatay lang ng kaklase niyo kaya bakit tayo magsasaya hindi ba? Ngunit wala naman akong magagawa dahil ang sabi sa akin ito raw ay mandatory at isasama sa finals ninyo since may history class kayo." napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Mandatory? O gusto niya lang talaga.
"Paano yan Prof? Mahiluhin pa naman ako umay naman why mandatory yon?" tanong ng kaklase ko.
"Im sorry. Sakin, ayoko talaga pero gusto ng school para daw makapag enjoy kayo before finals. Makakapagreview pa din naman kayo dahil bibigyan kayo ng 3 weeks na bakasyon para maghanda." paliwanag naman niya sa amin at isa isa kaming binigyan ng waivers.
Pagkaabot sa akin ay agad ko itong binasa. "Yellow Trail in Baguio and Whitehouse?" mahinang sabi ko. Nilingon ko si Sofia at nakita ko itong tinititigan ang waiver. Alam kong ayaw din niya pero kailangan namin, pag-iisipan pa din naman namin ito.
Habang nagbibigay pa ng mga waivers ay may biglang sumigaw sa labas ng hallway. Agad lumabas si Prof. Dexter upang tignan iyon. Walang lumabas sa amin dahil siya na lang daw.
Pagkabalik ni Prof ay ngumiti siya sa amin. "May nadulas pala malapit sa hagdan. Mukhang naghaharutan ang magkakaibigan." sabi niya sa amin na parang hindi man lang nag-alala.
"Hindi ba dapat nag-aalala siya?" bulong ni Ronnie sakin.
"Bahala siya, napakaweird niya. Kaya yan lang ang pinaghihinalaan ko e." sabi ko habang nakatingin kay Prof na kasalukyan na kausap ang isang kaklase namin na nagtatanong tungkol sa field trip namin. Narinig naman ako nila Max dahil hindi ko naman ito pabulong sinabi.