Chapter 8: Prof. Dexter

1411 Words
"Ito kasing tatay mo nahuli ko nambabae na naman!" sigaw sa akin ni mama habang kausap ko sila sa video call. Rinig ito ng mga kaibigan ko dahil katabi ko lang sila. Alam na naman nila ang kwento ng buhay ko kaya hindi na ako humahanap pa ng privacy, ik-kwento ko din naman iyon sa lahat. Tumawag sana ako sa kanila para magpaalam kung maaari ba akong payagan sa field trip namin kahit ayoko, sayang nga naman ang points noon. Napag-usapan na din namin iyon ng mga kaibigan ko. Delikado, oo, pero mas umiral sa amin ang kagustuhang makalaya sa gulo. Hindi namin alam kung bakit kami ang ginagambala ng mga 'katok'. "Hayaan mo na si papa, ma. Wala na tayong magagawa dyan. Mag-papahinga na po ako." paalam ko kay mama. Imbis na sabihin ko ang gusto ko ay pinili ko na lang na huwag ipaalam. Parati na lang problema ang bungad sa akin tuwing kakamustahin ko sila o magsasabi ako tungkol sa lagay ko. Hindi nila alam kung ano ba ang tunay na nangyayari sa akin ngayon dito. "Si tito na naman?" tanong sa akin ni Sofia. Tumango ako at isinara na lang ang laptop ko. Sinimulan ko na gumawa ng consent letter na ipapasa ko sa school. "Bahala na. Sasama na lang ako, tatakasan ko muna ang problema. Malay niyo diba, dito lang tayo nagugulo tapos doon hindi kasi mas maraming tao at kasama natin don?" sabi ko sa kanila. Hindi ko alam pero gusto ko na bigla sumama. Puro problema na lang kasi ang nakakaharap ko. "My parents allow me na." sabi bigla ni Max samin. "True ba?" tanong ni Kevin sa kanya. Tumango naman si Max sa amin. "They said bahala me sa sarili ko. Sweet." malungkot na sabi ni Max sa amin. Naiinis ako sa parents ni Max dahil hindi nila pinaparamdam na mahal nila ito. Palibahasa ba inampon lang nila si Max dahil akala nila hindi na sila magkakaanak? Nakakainis ang ganong mindset. "Kayo ba pinayagan na?" tanong ko sa kanila. "Kahit naman hindi kami payagan e sasama kami. Bukod naman sa makuha yung points na sinasabi, kung nasan kayo dun din kami." sagot sa akin ni Ronnie. Tumango si Kevin sa kanya. "Atsaka, lahat naman tayo may problema. Malay natin diba sumaya tayo don? Baka mamaya dito lang tayo nakakaramdam ng kung ano, di naman natin alam kung ano story nitong bahay diba?" Tama nga si Kevin. Wala na rin namang gumagambala sa amin kaya hindi na masyado nagpupunta si Ethan dito. Doon pa rin si Ethan nakatira malapit dito sa apartment namin, nandoon na din nagstay mga kaibigan niya. Nagpalipas lang kami ng gabi, tamang movie marathon lang. Busy kaming lahat sa drama na pinapanood ng umilaw ang phone ko. Nagtext lang pala si Ethan. We're friends na mula nung icomfort niya ako dahil sa panic attack ko. Naisip ko din kasi na lahat ng tao nagkakamali, bakit hindi ko siya patawarin? "Punta ako diyan. Punta siya?" tanong ni Sofia na binasa ang message sakin ni Ethan. Napaka-tsismosang nilalang. Agad kong nireplyan si Ethan na wag na dahil gabi na. Kahit malapit lang siya, hindi pa din namin alam kung ano ang meron sa labas. Nagising kami ng maaga, handa na para pumasok na naman. Nakapag handa na ng pagkain ang chef namin dito sa bahay, si Kevin at Ronnie. Sabay sabay na kami kumain at binilisan ang pag aayos para maagang makapunta sa school. Naisipan namin na maglakad na lang kami since maaga pa din naman at naka pe uniform naman kami kaya hindi hassle. Isang subject lang kami ngayon since pe, kaya naman puro activities lang kami, tamang laro madalas chikahan sa may gym. "Nasabihan ko na sila Wilbert na maglalakad tayo. Nauna na sila pumasok." pag inform samin ni Ronnie. Agad na kaming lumabas. Gagabihin kami kaya naisipan ni Sofia na maglagay ng asin at bawang sa bawat kanto ng bahay. Binuhusan din niya ang palibot ng bahay ng holy water, naninigurado lang kami. Kahit naman na wala nang gumugulo sa amin ay mabuti na din na handa kami sa gantong bagay. "Hi Kuyang Guard, good morning to you po!" bati ni Max na akala mo tropa niya. "Alam ko na bat ganyan ka sakin ngayon. Hulaan ko ba?" sagot sa kanya ni kuya. "Wala kang id?" "You're correct. Galing mo po." sabay sabay kaming natawa sa sagot ni Max. Hindi namin napansin na naiwan niya yung id niya. "Okieee you better lista lista the pangalan conyo girl." napapout naman si Max dahil akala niya ay palalampasin siya ni kuya. Mag-lilinis tuloy siya ng room mamaya. "Ang corny." reklamo ni Max samin at di na lang namin siya inasar pa. Nakarating kami ng room ng wala pang masiyadong tao dahil nga maaga pa, yung iba naman sure na nasa canteen at nakatambay. "Vera." gulat kaming napalingon sa pintuan. "Dean?" sagot ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya. "Pwede ba kitang utusan saglit?" tumango ako. Kahit naman ayoko, wala ako magagawa baka maibagsak ako ng wala sa oras. "Ito..." pinakita niya sa akin yung waivers na may pirma na. "medyo matanda na ako kaya naisipan ko na ikaw na lamang ang maghanap kay Prof. Dexter. Ibigay mo lang iyan. Baka nasa faculty siya kung wala hanap hanapin mo at nandiyan lang naman yon." Tumango ako kay Dean. Nagpasalamat siya sakin bago niya ako talikuran. "Samahan mo ako, Max." tawag ko sa kanya. Nagpaiwan ang mga kaibigan namin. "So far naman nung faculty ni Prof. Dexter e. He's alone lang din diba? Since siya lang history prof?" tumango ako sa kanya. Medyo bandang dulo ang napiling faculty ni Prof. Dexter kung saan sumobra sa tahimik. Nadaanan pa namin yung Laboratory kung saan dinala kami ni Pro. Dexter dito noong gusto niya sabihin kung ano ang tunay na nangyari kay Dainty. "Be quick naman. It's creepy." reklamo ni Max. "Wala naman sisilip dyan tignan mo." asar ko pa lalo sa kanya. Binilisan namin ang lakad para na din makarating agad kay Prof. Dexter. Hindi namin siya mamemeet ngayon dahil PE subject lang ang meron kami. Pagkarating namin ay nakabukas na ang pinto ng faculty ni Prof. Tumawag muna kami atsaka kami pumasok. "Wala ata siya dito e." sabi ko. Lalabas na sana kami ng may marinig kaming kaluskos sa may banda banyo. Agad kaming pumunta doon. Laking gulat namin ng makitang may nakasandal sa pader habang ang braso ni Prof. Dexter ay nakatuon sa leeg ng lalaki. "Prof?" hindi napigilan ni Max ang magsalita. Agad niyang binitawan yung lalaki. "Wilbert?" tanong ko ng makitang hinihingal yung lalaking kanina'y nakasandal sa pader. "Prof. bakit mo naman sinasaktan si Wilbert?" tanong ko sa kanya. "Estudyante mo din siya. Ganyan ba dapat ang kilos ng isang guro?" ipinatong ko yung waiver na ibibigay ko sa upuang nasa gilid ng banyo. "Tara na , Wilbert!" sabi ko kay Wilbert at naglakad siya papunta sa pwesto namin. Hingal na hingal pa din siya at namumula. "Isusumbong kita kay DEAN!" sabi ko kay Prof. Dexter. "Sandali.." pagpipigil niya sa aming lumabas. "nagkakamali kayo, siya ang unang--" pinutol ko ang sasabihin niya. "Kung ayaw mong mawalan ng trabaho, wag mo nang uulitin to. Kapag nahuli pa kita, hindi na kita igagalang bilang guro namin. Kung ibabagsak mo ako dahil dito, wala akong pakialam. Sige, hindi na muna namin irereport to. Pero sana naman, kung may di kayo pagkakaintindihan idaan niyo sa usapan!" pagkasabi ko non ay tinalikuran ko na si Prof. May gusto pa siyang sabihin pero hindi ko na siya pinansin. Lumingon pa si Wilbert kay Prof., hindi ko alam kung bakit, siguro ay natatakot pa din siya kaya naman ay hinila ko na kaagad siya para makabalik ng classroom namin. Hindi pa din makapaniwala si Max sa nakita niya. Narating namin ang room. May mga kaklase na kaming nasa loob. Nandoon na rin sila Ethan. "Bakit parang galit ka?" tanong sakin ni Kevin. Inaya ko sila sa labas para ikwento kung ano ang nakita namin ni Max. Hindi na naman sumama si Wilbert samin dahil ikkwento niya naman ang nangyari doon kila Ethan. "Hala! Taena, tunay ba yan?" hindi din makapaniwala sila Ronnie. Hindi talaga namin kasi akalain na magkakaganon si Prof. Dexter. Kahit na pinaghihinalaan namin siya ay hindi naman namin sya nakikitang nanakit ng estudyante. Siguro ay napikon siya kanina. "Tama talagang sumama tayo sa field trip na yan e." tumatango tangong sabi ni Ronnie. "Para mabantayan natin kilos niya." Sumang-ayon naman kaming lahat sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD