Ilang Linggo din ang dumaan. Sa bawat araw na nagkaklase kami sa history ay tila mabigat na atmosphere ang nararamdaman namin. Hindi na masyado nagku-kwento si Prof. Dexter ng horror na dati ay kadalasan niyang kinukwento. Naging tahimik na din ito, hindi na palakibo sa kanyang mga estudyante. Hindi lang kami ang nakakapansin pati ang iba rin naming kaklase.
"I still takot when I remember what happened between Wilbert and Prof." sabi samin ni Max nang lumabas saglit si Prof.
"Mas matakot ka pag wala ka nang maalala." pambabara naman sa kanya ni Ronnie. Parang tanga e.
Inirapan lang siya ni Max at nagphone na lang ulit.
Nagklase lang si Prof at pagkatapos noon ay may pinasagutan na siya sa amin. Magiging reviewer na din daw namin yon. Habang nagsasgaot ako ay nararamdaman kong may tumitingin sa may gawi namin. Tumingin ako sa may labas ng room namin, sarado ang pinto ngunit kita mo ang dadaan doon yung tipong hanggang balikat lang nila ang kita. Wala namang tao. Baka naman pakiramdam ko lang. Napatingin pa ako kay Prof. at may isinusulat lang ito.
"Excited ka na bang umuwi at kanina ka pa nalingon sa pintuan?" tanong sakin ni Sofia.
"Baka naman di sa pintuan natingin, dun sa kabilang row!" agad ko binatukan si Kevin dahil sa naissue na naman ako. Mula kasi noong mag-uspap na ulit kami ni Ethan, palagi na nila ako inaasar. Late na din kami nagkaroon ng closure dahil naging sarado ang isip ko, nasaktan e. Pero ngayon napatawad ko na siya at tanggap na din naman namin, magkaibigan na din kami. Kaibigan na ulit namin ang tropa ng bawat isa.
Hindi talaga ako makapag-focus sa ginagawa ko. Tumayo ako at lumapit kay Prof. upang magpaalam kung pwede bang magpunta muna saglit sa restroom.
"Prof." nagulat si Prof sa akin kaya agad niyang naisarado yung notebook na hawak niya. Napasilip ako doon nang lumapit ako kaya naman medyo nakita ko kung ano ang nakalagay doon. Isa iyong sketch ng kung anong may buntot at mahahabang kuko sa kamay at mayroong sungay. Weird.
"Yes Ms. Vera?" tanong niya sa akin na para bang walang nangyari. "Restroom, Prof." tumango naman siya sa akin.
Hindi na ako nagpasama pa sa restroom dahil marami namang estudyante ngayon sa labas dahil paniguradong breaktime ng grade school. Dumiretso lang ako sa restroom namin na malapit sa may library. Mas malinis kasi dito.
Pagkapasok ko pa lang ay nakarinig na ako ng hikbi mula sa dulo ng cubicle. Hindi ko na lang pinansin dahil ihing ihi na ako. Wala naman masyadong maingay sa labas dahil kalapit ito ng library. Nakakatakot pa naman si Ms. librarian dahil kukunin niya kaagad ang i.d mo kapag nahuli ka niyang nag-iingay.
Pumasok na ako ng cubicle, hindi ko muna inintindi yung hikbing naririnig ko. Mamaya ko na lang siya tatanungin. Nang tumayo na ako at akmang lalabas biglang lumamig ang pakiramdam ko. Unti unting lumalakas yung hikbi sa kabilang cubicle. Nag umpisa na ring mag patay-sindi ang mga ilaw dito sa loob. Pinuntahan ko yung dulong cubicle at kinatok ito.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko. Iniisip kong baka natatakot ang bata dahil sa ilaw kaya naman lumakas ang pag hikbi niya. Hindi naman niya ako sinagot kaya tinanong ko ulit siya.
"Ayos ka lang? Nandito lang ako, labas ka na diyan wag kang matakot." pag-aamo ko sa kanya. Nawala naman ang hikbi kaya ang akala ko ay lalabas na siya. "Anong pangalan mo?" tanong ko pa sa kanya.
Matagal bago siya sumagot. Lumakas ang hangin, nagtataka ako dahil biglang sumara ang pinto ng restroom. Nag-uumpisa na rin akong kabahan, ako lang ang mag-isa, maaaring atakihin ako ng panic attack ko. Kinapa ko ang bulsa ko, wala yung phone ko. Kinatok ko pa ng kinatok yung cubicle para naman masama ko na siya.
"Ako si..." inaabangan ko ang sasabihin niya. "...Dainty." matapos niyang sabihin yon ay mas naging malamig sa lugar namin ngayon. Yung mga ilaw mas bumilis ang pag patay sindi. Nag-umpisa siyang tumawa na mas ikinatakot ko. Tumakbo ako sa may pintuan at hindi ko iyon mabuksan. Sobrang kaba na ang nararamdaman ko. "Tulong!!"
Napapamura na lang ako dahil sa sobrang takot. Yung tawa niya para bang palakas ng palakas habang nagpapanic ako. Nag dadasal na ako ngunit hindi pa din tumatalab.
"Maawa ka sakin, palayain mo na ako. Wala akong ginawang kasalanan sayo!" sabi ko sa kanya. Pinipilit ko pa rin buksan ang pintuan, hinihingal na ako. Yung inhaler ko!
"Ano bang gusto mo?" umiiyak na tanong ko sa kanya ngunit patuloy pa rin siya sa pagtawa. Humihingi pa din ako ng tulong. Nagulat ako ng biglang magkaroon ng maraming katok sa bawat cubicle. Kailangan kong tapangan ang loob ko, yan ang sinasabi ng isip ko pero hindi magawa ng sarili ko.
"Beg... Harder" paulit-ulit na sabi niya. Hindi ko siya maintindihan pero isa lang ang pumasok sa isip ko. Gusto niya akong magmakaawa.
"P-palabasin mo na ako please?" pagmamakaawa ko sa kanya ngunit tumawa lang ito at paulit-ulit na sinabi ang katagang beg harder. "Please..." nagmamakaawa talaga ako pero ayaw niya. Ramdam kong nanghihina na ang tuhod ko. Unti-unti ko nang nabibtawan ang doorknob na kanina ko pa pinipilit buksan.
Lumalabo na ang paningin ko, hindi na rin ako makahinga ng ayos. Pero kahit ganoon ang nangyayari sa akin patuloy pa din yung pagdadasal ko. Walan ibang makakatulong sa akin kundi siya at ang sarili ko. I know prayer will work, prayer is the best weapon in everything. I trust him. I love him.
Napapikit na ako at hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin after nito.
Ramdam kong may umuuga sa akin. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko mula sa pagkakatungo ko. Putangina! Paanong nangyaring nasa classroom ako?
"Anong nangyari?" pinanlakihan ko sila ng mata isa-isa. Naghihintay kung sino ang magpapaliwanag sa akin ng lahat. Kaunti kaming tao dito sa classroom.
"Nakita ka ni Prof. kanina sa tapat daw ng restroom niyo, papunta kasi siya ng library dahil may kukuning libro. Wala pa namang mga tao non kaya siya ang nakakita sayo. Diniretso ka niya dito sa room natin, doon ka daw niya idinaan sa likod para walang makakita." hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa ssinasabi ni Ethan. Hindi ko kasi maisip na dadalahin ako ni Prof. dito. Dahil kung ako si Prof. itatali ko na ang sarili ko para hindi na ako makita pa ng mga kaibigan ko. Hindi ba't nananakit sya ng mga estudyante niya? Ano kaya ang kailangan niya sa akin?
"Ano ba talaga ang nangyari sayo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Dave.
"Nakulong ako sa restroom kanina, tapos may..." napatigil ako dahil sa naalala ko. Yung hikbi at tawa niya, nakakakilabot. Hinihintay nila ang susunod pang sasabihin ko. "...bata nahikbi tinanong ko ang pangalan ang sabi niya Dainty." naluluha kong sabi.
Hindi ko alam kung bakit kami ginugulo ng mga katok at ni Dainty. Wala nama kaming nagawa sa pagkakatanda ko dahil hindi naman kami bully ni hindi namin siya masyadong nakakausap. Pansin kong tahimik si Sofia kaya hinakawan ko ang braso niya para mabalik siya sa realidad.
"Nag-uumpisa na. Mag-ingat tayong lahat." sabi niya sa amin at isa-isa kaming tinignan sa mga mata. "Lalo tayong mag-ingat, bukas na ang byahe natin pa Baguio, delikado daw ang mga daan doon." tumango kaming lahat. Kita ko sa mukha ng mga kaibigan ko na kinakabahan sila at natatakot. Ganoon din naman ako. Nacu-curious din kasi kami kung sino nga ba ang pumatay kay Dainty. Balak naming doon tanungin si Prof. kapag nasa camping area na kami.
Nakauwi kami nang wala namang nangyayari. Pagod na pagod ako nang makarating kami sa bahay kaya naman nagpaalam ako sa kanila na didiretso na ako sa kwarto upang humiga na muna. Nang makahiga ako ay nakareceive ako ng text message sa tatay ko. 'Sorry' , ayan ang sabi sa akin ng tatay ko. Nagtaka naman ako kung bakit ganoon ang text niya pero hindi ko na lang din pinansin. Siguro dahil lang 'yon sa nangyari nung tumawag ako. Wala namang mababago.
Nagsscroll lang ako sa phone ko nang may kumatok. Hinintay ko iyon bumukas at inilabas noon si Ethan.
"Bakit?" tanong ko sa kanya. Alam kong may gusto siyang sabihin kaya pumunta sya dito sa bahay.
Ngumiti muna sya sakin at nanatiling nakatayo. Pinaupo ko siya sa may tabi ko habang ako ay nakahiga.
"May sasabihin sana ako." panimula niya. "Ayos lang naman kung di ka papayag dito."
Tinanguan ko siya para malaman niyang handa na akong makinig sa kung ano ang sasabihin niya.
"Alam na ba nila?" umiling siya. Now, I realized na hindi pa din nagbabago yung ugali niya,. Still, sakin niya pa din gusto sabihin yung mga bagay na hindi sya sigurado. Kambak na ba tayo? Choz.
"May plano kasi akong naisip, para matapos na yung nangyayari sa atin. Sobrang hirap na kasi, gusto ko na bumalik sa normal na tuwing dadaan yung araw hindi na natin iisipin kung ano ba yung pwedeng mangyaring hindi maganda." kahit ako gusto ko na, na bumalik kaming lahat sa dati. Hindi yung tuwing darating yung gabi nandito kami nakabantay lahat sa bintana at pintuan para lang maprotektahan yung sarili namin.
Nasa bahay nga kami pero hindi naman kami safe.
"Ako din naman. So what's the plan?" pinakinggan ko lang ang bawat detalyeng sinasabi niya. May part sa akin na gusto kong pumayag. may part din naman na hindi.
"Hangga't maaari sana walang madamay. Estudyante din mga kasama natin, Ethan."
"Walang madadamay. Ilalayo natin yung plano kung saan nandoon sila. Dapat tayo tayo lang ang makakaalam." sumang-ayon ako sa sinabi niya dahil gusto ko na din malaman kung bakit nga ba kami nadamay s apagpaparamdam ni Dainty.
"I trust you, Ethan. Ayokong may madamay hangga't maari. You have my full trust, okay?" tumango siya sa akin. "Sabihin na natin sa kanila."
Tumayo na ako para puntahan ang mga kaibigan namin sa labas. Bago ko pa man buksan ang pinto ay hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinarap ako sa kanya muli.
"Bakit?" hinihintay ko kung may sasabihin pa siya sakin. Baka kasi may idadagdag pa sya sa plano niya.
"Salamat." after saying those words, he hugged me. "I missed you, sobra. Ang tagal kong nagtiis na kayanin lahat, ang tagal ko nagtiis na walang mapagsabihan ng mga problems ko. I missed you, Aly." Hinayaan ko lang siyang nakayakap sa akin.