bc

MEN OF HONOR SERIES 1: SCARRED

book_age18+
7
FOLLOW
1K
READ
fated
drama
sweet
campus
like
intro-logo
Blurb

She wasn't the smartest girl in class nor the richest one, but Steph was known for being the family's good girl despite her silly attitude outside their home. Growing up with controlling parents in a toxic environment, Steph felt rebellious after failing her last year in college. With all her friends getting busy with their own careers, she finds herself in a scandalous mess-naked and sated in the dean's office, his wild eyes penetrating her as they scarred his reputation in the name of love.

WARNING: STORY CONTAINS THEMES AND SCENES THAT MAY BE TRIGGERING. PROCEED AT YOUR OWN RISK OR JUST DROP THE BOOK THIS EARLY.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Have you ever felt like none of what you do seems enough for your family? Iyong sa isandaang bilang ng exam, kahit na siyam napu't siyam ang tama mo ay iyong isang mali pa rin ang binibilang? O kaya ay kahit na halos gusto mo nang magpakamatay dahil sa pressure na nararamdaman mo sa kursong ayaw mo naman talagang kunin, nagiging bulag sila sa nararamdaman mo basta uno ang gradong ipinakikita mo? Sometimes I regret being an achiever. I feel like I've set the bar too high for myself. Pero kung hindi naman ako magpapakitang-gilas, hindi naman ako mapapansin sa pamilya. There is no in between. It's either I'll kill myself for keeping up with my family's expectation or I'd let them push me around and treat me like a failure. "You need to get to that law school no matter what, Steph. H'wag mong sayangin ang pagtatrabaho namin ng Mama mo sa ibang bansa para lang magkaroon ka ng magandang buhay," bungad ni Papa nang makaupo ako sa silya. Kararating lang nila galing ng Hongkong pero wala man lang kumusta muna. Here they are, taking out the stuff they bought for me so I could study properly. Hind ko masasabing may kaya kami dahil hindi naman din kalakihan ang sahod nila. Isa pa ay lima kaming magkakapatid na nag-aaral at nasa poder ni lola. When lola receives their remittance, kakarampot na lang ang umaabot sa aming magkakapatid. We can't tell my parents or else lola will surely make our lives a living hell. At sa pamilyang Filipino, oras na lumaban ka sa mas nakatatanda ay wala ka nang modo. I took in a silent breath. Kailan kaya nila tatanungin kung anong kurso ba talaga ang gusto kong kunin? Will they laugh at me if they will find out that up until now, I still don't know what I want to be? Makikita pa kaya nila na ayaw ko naman talagang bugbugin ang sarili ko habambuhay sa mga kasong kailangang ipaglaban? "Opo," ang tanging naisagot ko. I have to be a good girl in front of my family. Kasi kapag ate, dapat nagsi-set ng magandang example sa mga nakababatang kapatid. Kapag ate, bawal kang sumagot, magreklamo at magkamali. I regret being a first born, and I regret being part of the Madrigals. Pero sino ba ako para magreklamo, hindi ba? "Kumusta naman ang pag-aaral mo?" my mother asked while she and my lola are busy arranging every 'pasalubong' that our relatives will come here for later. Dapat lahat may sabon. Dapat lahat may tsokolate at kape. Kasi kung wala ay pariringgan nila sina Mama sa f*******:. "Medyo... nahihirapan lang ngayong sem, Ma." My lola looked at me with sharper eyes as if warning me. "Nahihirapan ka pa eh binibigay na nga lahat ng kailangan mo sa eskwela? Si Kylie nga walang computer. Bakit iyong pinsan mong si Boyet? Nakatapos naman bilang nurse kahit singkwenta lang ang baon at walang gaanong chechebureche sa buhay?" There she goes again with her comparison. Kailan ba niya maiintindihang hindi kami pareho ni Boyet ng utak? Na kung si Boyet talagang bata pa lang ay gusto nang maging nurse, ako ay hindi ko naman pangarap maging abogado? I am doing this for my parents. Para may puntahan ang mga pinaghirapan nila. It feels like I am only borrowing someone's dream, kasi kung maging abogado na ako, ipagmamalaki na ako ng pamilya. Maybe that's my dream after all. To be accepted and celebrated by my family. "Stefano, iyang anak mo pagsabihan mo at napapadalas ang pag-uwi ng late," sumbong ni lola. Tumingin sa akin si Papa, iba na kaagad ang ekspresyon na akala mo ay nagbubulakbol ako. Hindi ba pwedeng nagpapalamig lang ako ng ulo bago ako umuwi dahil pagdating dito sa bahay ay hindi naman ako makahinga? Palaging nagbubunganga si lola. Wala nang ibang napupuna ang mga tiyahin ko kun'di ang mali sa aming magkakapatid. Hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko kaya nagpapalipas muna ako kahit isang oras lang para naman maipahinga ko ang isip ko. Is that too much to ask? "Totoo ba 'yon, Steph?" Papa asked. Hindi pa man ako nakakasagot ay bumirang muli ang bibig ni lola. "Ni hindi na marunong tumulong! Kapag walang klase, sasabihin gagawa ng project. Palagi na lang may project. Anong klaseng eskwelahan ba 'yang pinapasukan niyan? Sabi ni Ningning hindi naman ganyan 'yong pinsan niyang si Steph na si Rowena. Iyong batang 'yon kapag oras ng uwi, uwi kaagad. Kapag walang pasok, naglilinis, naglalaba. Iyang si Steph, kung hindi pa pupukpukin, hindi kikilos!" Hindi 'yon totoo. Everyone in the neighborhood knows how hard I work when I'm at home. Ako ang naglalaba ng damit ng mga kapatid ko. Ako ang naglilinis. Ako nga rin ang namamalengke kaya lagi nilang sinasabing ang bait-bait kong bata. Buti pa iyong ibang tao, nakikita ang efforts ko, pero si lola, parang ang nakikita lang ay iyong kung nakaupo na ako at nagsi-cellphone. My father inhaled a sharp breath. "Sa susunod, matuto kang magkusa. Matanda na ang lola mo, Steph. Ikaw ang inaasahan namin dito." I could feel my lola's smirk. Palibhasa ay kinampihan na naman siya. Ganoon naman palagi, eh. Kailangan siya ang palaging kakampihan dahil kung hindi ay tatawagin niya ang lahat na bastos at walang utang na loob. Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan habang pigil na pigil ko ang sariling maluha. No, I'm not going to cry. Kasi kapag umiyak ako, sasabihin na naman nila ang tanda-tanda ko na pero ang hina-hina pa rin ng loob ko. May mapupuna na naman sila sa akin. I cleared my throat. "H--Hindi ko na ho mahihintay ang mga pasalubong ko, Papa. Anong oras na rin po at kailangan ko nang pumasok." Tumango si Papa. Kumuha naman si Mama ng isang libo sa wallet. Nang iabot iyon sa akin ni Mama ay tumaas ang kilay ni lola. "Ay, akin na 'yan at igagasta niya na naman lahat 'yan. Akin na at babaryahan ko. Paunti-unti mong kunin sa akin nang matipid mo. Magkano lang naman ang jeep." I sighed. Nang makita ni lola ang pagbuntong hininga ko ay tumalim ang tingin niya sa akin. "Anong ibinubuntong hininga mo? Porke't nandito ang mga magulang mo, gaganyanin mo na ako?" "Ma, tama na ho. Hindi naman siguro sinasadya ng bata." Papa looked at me. "Mag-sorry ka na lang." Is that it? Lagi bang dapat ay kahit hindi ko naman kasalanan ay ako ang kailangang humingi ng tawad? I swallowed. "S--Sorry po, lola." Padabog niya akong binigyan ng isandaan. Alam kong gustong magreklamo ni Mama pero dahil ayaw rin niyang bastusin ang byenan niya ay wala na siyang nagawa. I went to my room and changed. Nagmadali akong kumilos nang makaalis na dahil pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga. Kahit na one hour pa naman bago ang klase ko, nagtungo na ako sa school. Tatambay sana ako sa library nang ipatawag ako sa Dean's office, siguro ay dahil isa ako sa nagpakita ng interes sa graduate school. Priority ng university ang mga roon din nag-aral ng bachelor's degree, ngunit hindi ko naman inasahang ipatatawag ako ng Dean nang ganito kaaga kahit katatapos pa lang ng prelims. I fixed my blouse and drew in a sharp breath before I knocked on the door, my eyes read the name written on the glass part of the room. Dean Coal Henry E. Navales So he's the new Dean, huh? Nadinig ko ang malalim na tinig ng isang lalake mula sa loob na sinabing pwede akong pumasok. I swallowed the pool of saliva in my mouth and pushed the door open, only for my knees to almost tremble the moment I saw the new Dean of College of Law. Dean Chen was leaning on his drawers while biting his pen, his mysterious coal-black rims shifted from the document he's reading towards my direction. Napaawang ang mga labi ko nang mapagtanto kung gaano katikas ang bagong Dean. I heard he's in his late thirties, and I never really had the hots for men who are almost twice my age, but this man... God, help me. My knees are about to give up... "You are?" he asked as he walked towards his desk, his cold gaze remained plastered on me when he sat. I had to swallow to ease the dryness of my throat. "S--Stephanie." I drew in a sharp breath. "Stephanie Madrigal... po." My heart pounced when I saw the corner of his lips lifted for a small, almost invisible smirk. "I heard you're failing. Wanna talk about it?" Napakurap ako. "F--Failing? Pero... passing pa rin po ang grades ko." Mahina siyang humalakhak habang umiiling. His colossal hand rested on his desk, and oh, God have mercy on me. Those veins underneath his creamy skin looked hot. "I don't think you understand what I was trying to say, Stephanie." He moistened his lower lip before he leaned on his chair like a dominant king. "I don't accept good students." I composed myself. "A--Ano ho ang... gusto ninyong iparating?" His eyes remained staring at me while he taps his slim fingers on his desk. "All I'm saying is, you need to be the best in order to be accepted in the college of law. Hindi pasang-awa ang kailangan ko." I gulped while fisting my hands on my sides. "With all due respect, Sir, pero matataas ho ang grades ko--" "Not high enough, Madrigal. So if your report cards show anything else other than one, you are failing in my eyes." Is he for real? Kailan pa naging ganoon ang batayan ng gradong kailangan? My lips pursed and my eyes stung. I don't want to get emotional, but his words were like triggers for my cup to finally spill. Napabuntong hininga siya nang makita ang pamumuo ng aking mga luha. "Is that how you will present yourself in court, hmm? Idadaan mo ba sa iyak ang kaso para maipanalo?" "N--No, Sir." "Then why are you crying, Madrigal?" Napailing siya. "Don't give me more reasons to not accept you. I don't need a baby in my program so get out of that door, wipe your tears, and come back here once you're done being average. Good girls have no room in the college of law..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Slave Who Owned The Moon

read
2.2K
bc

Road to Forever: Dogs of Fire MC Next Generation Stories

read
23.7K
bc

Rocking With The Bratva Brat

read
30.4K
bc

The Baby Clause

read
3.0K
bc

Crazy Over My Stepdad

read
1.2K
bc

Ava

read
2.7K
bc

The Lost Heiress's Glorious Return

read
6.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook