HUMINGA AKO ng malalim, humigpit ang kapit ko sa braso niya at nagawa rin magsalita, “Let’s go.” Kaso kung kailan nagawa ko na humakbang saka naman napatingin sa akin ang mga taong balak kong iwasan. They instantly recognized me. Alam ko kasi nanlaki ang mga mata nila at namutla. “Grace? Kilala mo ba sila?” mahinang bulong sa akin ni Martin. Humigpit ang kapit ko sa braso niya at marahang tumango. “My parents. Let’s go.” Humakbang na ako at pinihit na si Martin patalikod sa mga magulang ko nang biglang magsalita ang tatay ko. “Go on. Act like you didn’t see us. Kung nahihiya kang makita kami mas ikinakahiya ka namin. Akala mo ba hindi nakakarating sa akin kung ano ang ginagawa mo sa buhay mo?” Mariing tumikom ang bibig ko at matalim n

