DINALA ako ni Martin sa condo niya na malapit lang sa ospital. May komento pa siya na ako raw ang unang babaeng dinala niya roon. Malamang para pangitiin ako. Medyo umepekto naman kahit papaano. Kaso nang nakaupo na kami sa black leather couch niya, bumalik ang bigat ng dibdib ko at nanlamig ako. Kasi sasabihin ko sa kaniya ang sikretong sa bestfriend ko lang sinabi. Hanggang ngayon nga na katabi ko na si Martin at nakapihit ang katawan niya paharap sa akin ay hindi ko pa rin alam kung paano magsisimula. Opening your heart to someone is also giving that someone the capacity to hurt you. I’m scared shitless right now but I know I have to do this. “Gusto ko lang malaman mo na noong bata naman ako, masaya ang pamilya namin,” umpisa ko. Kasi gusto kong ipaintindi sa kaniya na hindi naman pur

