NAPAHINTO ako sa pagkukuwento kasi napansin kong mariin na nakatiim ang bagang ni Martin at galit na nakatitig sa pader sa likuran ko. Nakakuyom din ang mga kamao niya na parang gusto manakit. Pero alam ko na hindi para sa akin ang galit sa mga mata niya. Umangat ang isang kamay ko para haplusin ang panga niya. Kumurap siya at tumingin sa akin. Tipid akong ngumiti. “Nakaraan na ang lahat. Huwag ka magalit.” Humugot siya ng malalim na paghinga, hinawakan ang kamay kong nakalapat sa gilid ng mukha niya at pinisil ‘yon. “Sabihin mo sa akin na ‘yon na ang huling beses na nagkita kayo, Grace.” Ngumiwi ako at umiling. Mahinang nagmura si Martin. “Remember my rule that I only meet a man twice because I don’t want them to get attached to me? Si Noel ang dahi

