MARTIN STAYED the night at my apartment. Sabi ng lohikal na parte ng utak ko hindi ‘yon magandang ideya. Kaso natibag ang natitirang pader ng self-preservation ko pagkatapos niyang haplusin ang pisngi ko, ngumiti at sabihing, “I really like you, Grace.” Kaya bago ko pa mapagana ng matino ang isip ko naalok ko na siyang manatili roon tutal hindi naman uuwi ang bestfriend ko. Ni hindi siya nagdalawang isip at pumayag agad. Siyempre napasubo na ako kaya hindi ko na binawi ang invitation ko. Okay, that’s a lie. Ayoko lang talaga bawiin kasi gusto ko talaga siyang makasama pa ng matagal. Narealize ko na marami ka talaga malalaman tungkol sa isang tao kung makakasama mo siya sa iisang bubong kahit isang araw lang. Ako kasi maraming nalaman tungkol kay Martin. Katulad nang masarap pala siya magl

