PAGSAPIT ng hapon nagkita kami ng imbestigador na pinapunta ni ninong. Inabot lang niya sa akin ang folder at ni hindi nga umupo sa lamesa kung saan ako nakapuwesto sa coffee shop. Pagkatapos niyang tawagan si ninong Diego at ipakausap sa akin sandali para masigurong hawak ko na ang report ay umalis na rin agad ang lalaki. Matagal ko lang tinitigan ang folder. Gusto ko buksan ‘yon kasi naku-curious ako kung anong klaseng tao si Joy at kung ano na ang ginagawa niya sa buhay niya. But even though I asked someone to find her, what she do is still not my business. Kaya nagdesisyon akong huwag buksan ang envelope bago ko ibigay kay Martin. Bahala na siya kung ano ang plano niyang gawin sa impormasyong nakuha ko. Basta ang sigurado ko, kailangan nilang magkita uli at magkaroon ng maayos na clos

