Chapter Two

2075 Words
One Month Alam mo 'yung pakiramdam na kahit gaano ka kabusy buong araw, isang tao lang 'yung iniikot ng utak mo? That's me. Hindi ko alam kung paanong natapos 'yung buong twelve hours ko today na wala akong ibang iniisip kundi si Miss Beautiful. Sobra talagang OA, I know. Kasi imagine, isang buwan na ang nakakalipas mula nang makita ko siya, pero hanggang ngayon, siya pa rin ang laman ng isip ko. Parang isang beses pa lang naman kami nagkita, pero ang weird kasi, parang matagal ko na siyang kilala. Parang may connection na hindi ko ma-explain. And yes, alam ko, parang sabaw pakinggan na one month later, iniisip ko pa rin siya. Pero wala eh—iba siya. Determinado akong makilala siya, kahit gaano pa ka-imposible. Siyempre, kung iisipin mo, ang laki ng Pilipinas. What are the odds na magkikita pa kami ulit? Baka nga turista lang siya, baka sa ibang bansa talaga siya nakatira, baka nga that was the first and last time I'd ever see her. Pero ako pa ba? Wala namang mawawala if I take a chance. Kasi paano kung siya na talaga ang itinadhana para sa akin? I'm already 27. I run a construction firm together with my best friends. We built it from scratch, and now, stable na siya. May sarili na akong condo, may sariling sasakyan, may ipon na rin sa bangko. I can honestly say, I can provide a good life for someone—kahit pa sabihin mong she lives lavishly. So, yeah... I'm ready. Kung siya na nga, I'm ready to settle down. Actually, this company—hindi lang naman sa akin. Kasama ko sina Ejay at Alvin, co-founders. Fred? Hindi na sumama kasi meron silang family business na pinamana ng parents niya before they migrated to the States. He stayed behind to manage it. Lucky him, kasi ang bar na iyon ngayon ang isa sa mga pinakasikat dito sa BGC. Silang tatlo, best friends ko since college. Funny thing is, nerdy-nerdy ako noon. Halos wala akong kaibigan, puro libro at projects lang ang inaatupag. Then dumating sila—at simula no'n, hindi na ako nagmukhang loner sa school. And until now, solid pa rin kami. Anyway, hindi ko namalayan na gabing-gabi na pala dahil sa sobrang daming trabaho at pag-iisip kay Miss Beautiful. Nakaka-badtrip kasi, kahit anong pilit kong alisin siya sa isip ko, parang may sariling replay button sa utak ko. Paulit-ulit bumabalik 'yung eksena ng ngiti niya... 'yung ngiti na akala ko para sa akin. Nauna na sina Alvin at Ejay sa bar ni Fred. Ako, naiwan pa kasi kailangan kong tapusin 'yung mga papeles. Eventually, ako na rin ang nagsara ng office at dumiretso na sa bar. ~~~~ 7 PM pa lang pero punuan na agad. Usual crowd, pero mas wild ngayon—Friday kasi, at sweldo pa. Typical. May mga nakapila pa sa labas, pero ako? VIP. Diretso pasok. Kilala na ako ng mga bouncer, so I gave them a smile and a nod. Inside, halos wala ng maupuan, pero hindi ko na problema 'yon. Kami ng barkada, may sariling lounge dito, reserved lang for us. Kaya dumiretso na ako sa area namin. Andun na sina Alvin, Ejay, at Fred—nag-uumpisa na ng inuman, tawa dito, asaran doon. "Why so tagal, erp?" bungad agad ni Ejay. Siyempre siya 'yung pinaka-conyo sa grupo. Lumaki sa States kaya halu-halo na talaga ang accent. Nag-fist bump kami bago ako umupo. "Buti sana kung tinulungan niyo akong pumirma ng mga papers kanina," biro ko, sabay tawa. Si Fred naman, na busy magbuhos ng tequila, biglang singit. "Ayos lang 'yan, pre. Parang hindi ka na sanay sa dalawang 'yan." Inabot pa niya sa'kin ang isang shot glass. "Dude, that's your job," kontra ni Ejay sabay high five kay Alvin. Classic. Habang nagkukwentuhan kami, biglang nilabas ni Ejay ang bagong cellphone niya. At syempre, lahat kami napatingin roon. "Hanep! May bagong cellphone si kupal. Binili mo ba 'yan?" tanong ni Alvin. Ejay smirked. "Of course I bought it. I'm too handsome para magnakaw." Tinaasan pa niya ng kilay si Alvin. Napa-"woah" kami ni Fred. Pero si Alvin, hindi nagpatalo. Binatukan si Ejay. "Feeling ka na naman, conyo boy! Malay ko ba kung bigay 'yan ng isa sa mga babae mo?" Napalapit si Ejay, nag-squint ng mata. "Yo, I'm not the playboy here." Sabay lingon nilang tatlo... sa akin. Wait lang. What? Bakit ako? "Wow. Kung makatingin kayo, parang mga santo kayo ah. Just to remind you guys, kayo ang naglalapit ng babae sa akin, not me." Sinabi ko with a straight face, pero tinawanan lang ako ng mga gago. That's us. Asaran, laitan, inuman. Paulit-ulit na cycle. Pero deep inside, habang tumatawa ako kasama sila, ang totoo—ibang babae pa rin ang iniisip ko. Miss Beautiful. Hindi ko alam kung kailan, pero alam kong kailangan ko siyang makita ulit. Nang medyo tumaas na ang tama ng alak, biglang nagyaya sina Alvin at Ejay na sumayaw sa dance floor. As usual, parang mga baliw na sabik makihalo sa crowd. Pero ako? No thanks. Alam kong parehong kaliwa ang paa ko, and honestly, hindi ko trip yung sumasayaw habang pawis-pawis na parang pinipiga na basahan. Kaya I stayed sa spot ko, naka-upo lang, habang pinapanood silang dalawa na parang walang pakialam sa mundo. Nakakatawa sila, ang kukulit, halatang may tama na talaga. Si Fred naman, as expected, nagpaka-CEO mode sa sariling bar niya. Busy siya sa pag-aasikaso ng VIP area, parang host na overly proud sa empire niya. I just leaned back, swirling the bottle in my hand, enjoying the music na parang background lang ng mga iniisip ko. "Hi." Napatalon ako sa gulat. Like legit, muntik ko na siyang suntukin kasi parang ninja kung sumulpot. Pagtingin ko, babae pala. Damn, muntik na akong makasuhan ng assault. Tumabi siya sa akin, at nagbigay ng ngiti na tipong may ibig sabihin. Alam mo yung kind of smile na parang "hey, let's see where this goes"? Ganun. Oh no. I knew this look. Alam ko na ang kasunod. Pero, no Ethan, huwag kang magpahulog. Kahit hindi pa alam ni Miss Beautiful na jowa ko na siya, in my head—taken na ako. Hindi ko na kailangan ng ibang babae. Kaya tipid lang akong ngumiti pabalik, sabay binalik agad ang tingin sa dance floor, pretending na mas interesting yung kakupalan nina Alvin at Ejay. Ayun, mukhang na-off si ate girl, kasi bigla siyang tumayo at umalis, sabay hagis ng "sungit" bago nag-walkout. Napangiti lang ako at natawa ng bahagya. Hindi ko na pinansin. To be honest, hindi ko alam kung maarte lang ako or what. Pero ramdam ko na rin talaga—wala na akong ibang gusto. Ayoko na ng kahit sinong babae kung hindi si Miss Beautiful. Parang bigla akong nagkaroon ng bagong standard na never ko pa na-experience before. And mind you, hindi naman mataas ang standards ko when it comes to dating. Nakadate ko na ata halos lahat—name it. Pero kahit sino sa kanila, never made me feel the way this one girl did. Siya lang talaga ang nagbago ng laro. Habang nakatulala ako sa dance floor, biglang may bagong babae na naman ang gustong tumabi sa akin. Ready na sana akong magsabi ng "I'm not interested" nang makita ko kung sino ang papalapit sa akin. Boom. Tumigil ang mundo. It was her. Miss Beautiful. Parang slow motion ang lahat. Yung tipong kahit maingay ang bar, bigla akong nabingi. She was walking towards me, nakangiti. Hindi ko na maramdaman ang alak sa dugo ko. What the hell. After one whole month, she's here. In front of me. Bumilis ang t***k ng puso ko, parang may drumline na nagpe-perform sa loob ng chest ko. Checking the lounge around me, napagtanto kong ako lang ang nandito. Which means... ako ang pinunta niya. "Hi." She said, standing right in front of me habang ako naman, para akong estatwa, naka-nganga pa rin. "Is it okay if I can share a seat with you?" tanong niya, medyo may pleading sa boses. Like a total idiot, I just nodded. Automatic. Ngumiti siya. "Thanks." Nilapag niya yung hawak niyang beer sa mesa at naupo sa tabi ko. Ako? Wala pa ring masabi. Staring mode on. Ang ganda niya. Every move she made, parang slow-mo sa mata ko. Bigla siyang ngingiti, then may sandaling magiging seryoso ang mukha niya, then parang confused. Lahat yun, kinikidnap ng utak ko para i-analyze. "May dumi ba sa mukha ko?" biglang tanong niya. "Ha?" Napa-react ako na parang engot. "Kasi kanina ka pa nakatitig, baka may dumi ako," she repeated. "Oh, wala. Sorry." Finally, nakapagsalita rin ako. At doon ako natauhan. Mabilis kong iniwas ang tingin, sabay nilagok lahat ng natitirang beer sa bote. Kahit matapang, tinodo ko pa rin. Gusto ko lang matakpan yung obvious na pagkailang ko. Shit. Nakakahiya. Feeling ko tumulo pa laway ko habang nakatitig sa kanya kanina. Pero deep inside, alam ko na. This—this is my new standard. Siya ang gusto ko habang buhay. Walang iba. Kung sakaling magpakasal ako, gusto ko siya yung nasa dulo ng aisle. I would give her everything. No hesitation. At dahil sa kabobohan ko, bigla siyang natawa. Narinig ko yung tawa niya—light, genuine, parang musika. Damn. Even the way she laughs, nakakakilig. Habang hawak-hawak ko pa 'yung bote ng alak, I found myself stealing glances sa kanya. Hindi ko mapigilan, bro. Kahit anong gawin ko, parang magnet talaga siya ng mga mata ko. Everytime na gumagalaw siya, every time na ngumingiti siya kahit simpleng ngiti lang—parang biglang humihinto ang mundo ko. Hindi ko alam kung paano ko ike-kekwento nang tama, pero ganito pala ang feeling kapag in love ka. Parang ang buong paligid, nagiging blur. Lahat ng ingay sa bar, biglang nagiging background music lang. The whole world stopped revolving... at parang siya lang ang center ng universe ko. Dude, swear, ganito pala talaga kapag tinamaan ka ng malupit. Hindi ko nga namalayan na medyo nakangiti na pala ako habang tinititigan ko siya sa gilid ng mata ko. I was trying to act cool, trying to pretend na chill lang ako sa upuan ko... pero deep inside? Tangina, parang gusto ko nang sumigaw ng "Bro, siya na! Siya na talaga!" And then—boom. "Sis! Nandiyan ka lang pala!" Pareho kaming napalingon ni Miss Beautiful. Doon ko nakita si Miss Taray na biglang sumulpot out of nowhere. Tumayo naman agad si Miss Beautiful at nakipag-beso rito. "Where have you been? Ang sabi ko maghahanap lang ako ng mauupuan natin, bigla ka namang nawala," sabi niya, tapos sabay silang naupo ulit—yes, right next to me. At that moment, hindi ko alam kung paano ako magre-react. Medyo awkward kasi, imagine, dalawang magagandang babae nasa tabi mo, tapos ikaw 'yung tipong hindi sanay kung paano magsisimula ng convo. Nakaka-intimidate, gets mo? "Bigla kasi akong tinawag ng dance floor, e," sagot ni Miss Taray habang tawang-tawa. "Tapos may dalawang makulit na lalaki. Kaya ayun, pinakitaan ko sila ng dance moves ko." Sabay pa siyang nag-demo ng konti, parang mini-dance number sa harap namin. Hindi ko napigilang matawa. As in literal na napasinghap ako ng tawa nang mahina—hindi ko alam kung dahil cute siya magpaliwanag o dahil tanga lang talaga ako. Pero ayun na nga, epic fail. Kasi pareho silang biglang natigil sa pag-uusap. Both of them turned to me sabay titig, parang "anong nakakatawa, kuya?" vibes. Dude, nag-freeze ako. Napakamot na lang ako ng ulo at mabilis na nagpaumanhin. "Sorry," sabi ko, sabay iwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon. Wala naman akong ginawang masama. Pero ganito pala kapag crush mo ang kasama mo—lahat ng simpleng galaw mo, parang mali. "Weirdo. Tara na nga," biglang sabi ni Miss Taray, sabay tayo at hatak kay Miss Beautiful. Agad namang sumunod si Miss Beautiful. Wala man lang second glance. Wala man lang goodbye smile. Just like that, umalis sila palabas ng VIP lounge. Tangina, bro. Napakagat labi na lang ako at natampal ang noo ko. Ang tanga ko. That was my chance. My golden opportunity to finally get to know her better, and I blew it. Kung kailan nandiyan na siya sa tabi ko, saka pa ako nagmukhang weird. Shit. Pero bakit ganon? Hindi na talaga siya mawala sa isip ko. Habang iniisip ko pa 'yung mga nangyari, pakiramdam ko lalo lang lumalalim itong nararamdaman ko sa kanya. Miss Beautiful. Kailan kaya ulit tayo magkikita?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD