It's Monday today. Alam mo 'yung tipikal na eksena—everyone is busy, lahat nagmamadali, lahat may goals na gustong habulin. And ako? Same. Pero hindi lang work ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Kasi honestly, I've been haunted by one person since last Friday.
Miss Beautiful.
After that short encounter with her, hindi na mawala sa utak ko ang mukha niya. Kahit pilitin ko pa, parang naka-tattoo na siya sa brain ko. Like, I could be signing documents or attending meetings, pero bigla na lang akong mapapangiti out of nowhere kasi naiisip ko siya. Para akong engot.
And minsan, I feel like I'm hallucinating. Like, parang bigla na lang siyang susulpot in front of me—same smile, same eyes, same aura. Tapos kapag may random girl akong nakakasalubong na medyo kapareho ng katawan niya, may isang second na naiisip ko, "s**t, baka siya!" Pero kapag tinignan ko nang maigi? Nope. Wrong girl.
Nakakabaliw, actually. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Never ko pa na-experience 'to.
"Are you okay?" biglang tanong ni Ejay. Hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya sa office ko. He was staring at me like I lost it.
Agad akong umayos ng upo. "Oo naman. Bakit?"
"Kanina ka pa tulala kasi. And... your mom is here."
Napakunot ako ng noo agad. My mom? Dito? Weird. Kasi bihira lang siya umuwi sa Pilipinas. Normally, only kapag may family reunion or super big event. And lagi siyang nagsasabi beforehand.
"Anong ginagawa niya rito?" tanong ko kay Ejay, pero siyempre, clueless din siya. Nagkibit-balikat lang.
Then suddenly, the office door opened. There she was—my mom, all smiles habang papalapit sa akin. Tumayo ako agad to kiss her cheek.
"What are you doing here, Ma?" tanong ko agad.
"Bakit, masama bang dalawin ang gwapo kong anak?" biro niya.
I rolled my eyes. "Ma, come on."
"Ay, eto naman, hindi mabiro," natawa pa siya. Pero deep down, alam ko may reason siya. Mom doesn't just show up for nothing.
"Tell me, Ma. Ano ba talaga? Bakit ka biglang umuwi?"
She sighed, then pulled something out from her bag. A picture. Inabot niya sa akin.
And when I looked at it, nanlaki agad ang mata ko.
It was her.
Miss Beautiful.
What the hell? How come my mom knows her? My Miss Beautiful?
"Ethan, that's Yonna," sabi ni Mama.
Yonna.
Finally, I had a name to the face. Hindi na lang siya basta "Miss Beautiful" in my head. Yonna. Ang ganda ng pangalan, soft pero strong, parang siya.
"She's 22 years old. Currently living here in Manila. Hindi ko sure kung saan exactly sila naka-check in na hotel, pero she's with her cousin and her boyfriend."
I looked at my mom, puzzled. "How do you know her, Ma?"
She raised a brow, curious. "Nagkita na ba kayo?"
Mabilis akong tumango. "Yeah."
Her smile grew even wider, halos umabot sa tenga. Weird. She looked so happy about it.
"Teka, Ma. Bakit? Ano bang meron sa kanya? Bakit kilala mo siya? Siya ba ang reason kung bakit umuwi ka?" sunod-sunod kong tanong.
And then it hit me—was this fate? Like, the girl I've been dreaming about, the one who suddenly made my world revolve around her... is the same girl my mom knows?
Meaning, mas malaki ang chance na maging kami. Maybe even marriage. Kasi knowing my mom, hindi siya basta-basta lalapit sa akin with this kind of thing.
"Yonna's family were our close friends in the States. Sadly, they passed away in a car accident... five months ago lang. Kaya I told Yonna to stay here in the Philippines for now. Para kahit papaano, mabawasan ang bigat ng pinagdadaanan niya."
Finally, things started making sense. Kaya pala there was sadness in her eyes nung una ko siyang nakita. Behind that beauty was pain. And maybe... just maybe... ako ang magiging dahilan para gumaan ang puso niya.
"I want you to take care of her. Bantayan mo siya, Ethan. Huwag mo siyang hahayaang mawala sa paningin mo. You're the only one I trust with her," sabi pa ni Mama.
Nagulat ako. Never ko naisip na ito ang hihilingin ni Mama sa akin. Pero at the same time, I felt a rush of excitement. Kasi ibig sabihin, I have a reason to be close to Yonna. To protect her. To be there for her.
"Why me?" I still asked. Though deep inside, I was already smiling at the thought.
"It's hard to explain, anak. Pero I just know she'll be safe with you. Kaya please, take care of her."
Napakamot ako ng ulo. Medyo weird, pero sige. I'll do it. Hindi lang dahil kay Mama, but because I want to. Gusto ko siyang alagaan. Gusto ko rin siyang makilala ng lubusan.
After a while, my mom stood up to leave. "Mag-iingat ka, anak. And please, ingatan mo rin si Yonna."
I nodded. "I will."
And when she left, naiwan ako na hawak 'yung picture ni Yonna.
Tinitigan ko siya ulit. Damn. She's even more beautiful in this photo. And I couldn't help but smile.
Was it fate? Or coincidence? I don't know. Pero one thing's for sure—this time, I won't waste my chance.
This time, I'll make sure na mas makikilala ko siya... at mapaparamdam ko sa kanya na she's not alone.
~~~~
I'm still looking at Yonna's picture. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na ngumiti habang hawak-hawak ko 'yung litrato niya. As in para bang kausap ko siya, parang nakatingin siya pabalik sa akin, at somehow nararamdaman ko na may koneksyon agad. Weird, pero ganun talaga ang vibe.
Then suddenly, bumukas bigla ang pintuan ng office ko. Si Alvin. Walang pasabi, walang knock-knock. Typical na panggugulo lang.
"Pre, sino 'yan?" agad niyang tanong sabay turo sa hawak kong picture ni Yonna.
Mabilis akong nag-react. Tinago ko agad 'yung picture sa ilalim ng mga folders sa desk ko, parang bata na nahuli ng teacher na may kodigo sa exam.
"Wala," sagot ko, deadma kunwari.
Pero syempre, knowing Alvin, hindi siya basta-basta papayag. Napangisi pa siya habang nakataas ang kilay. "Sus! Babae 'yan, 'no?" tanong niya, halatang nanghuhusga na with that annoying smirk of his.
I rolled my eyes at him. "None of your business, dude," sagot ko sabay kunyaring busy sa monitor ng PC.
Pero itong si Alvin, makulit as hell. Hindi mo talaga matatakasan. Nag-shift siya ng topic bigla, parang ini-interrogate ako. "Teka, bakit nga pala nagpunta rito si Tita kanina?"
Hindi pa rin ako lumingon. Nanatili lang akong nakatingin sa PC na para bang may tinitingnan ako, kahit wala naman talaga. "Wala. May sinabi lang," maikli kong sagot.
Pero kilala ako ni Alvin. Alam niyang kapag ganyan ang sagot ko, nagsisinungaling ako. "Ethan, pwede ba, 'wag ka na ngang mag-sinungaling. Hindi naman basta-basta uuwi si Tita rito ng walang dahilan," panghuhuli niya na parang detective.
Napabuntong-hininga na lang ako. I gave in. He's right. At besides, kailangan rin nilang malaman, kasi sooner or later, sila rin ang makakatulong sa akin to keep Yonna safe.
So kinuha ko ulit 'yung picture sa ilalim ng folders, and this time, pinakita ko kay Alvin.
As expected, biglang nag-switch sa chickboy mode si gago. Parang may kuryente na dumaloy sa katawan niya nang makita niya si Yonna. "Dude! Ang hot niya," sabi niya habang parang nanlalaki pa ang mata.
Mabilis kong binawi ang picture mula sa kanya. "She's off limits, Alvin. Huwag siya," babala ko.
Agad siyang nagtaas ng kilay, parang na-challenge pa. "Why? Ikaw ba ang may-ari sa kanya?" tanong niya na may halong paghahamon.
"Yes," diretso kong sagot, walang kagatol-gatol, full conviction.
Nagulat pa siya, natawa at sabay tudyo, "Sus! Sana matagal na naming alam 'yan, 'no?"
"Loko," sagot ko. Pero napatingin ulit siya sa picture, curious pa rin.
"Pero maiba tayo, what's with her?"
Huminga ako nang malalim. I looked at Yonna's face again in the photo. Hindi ko maiwasan mapangiti habang nakatingin ako sa kanya bago ko sinagot si Alvin. "Gustong ipabantay sa akin ni Mama itong si Yonna. Five months ago naaksidente ang parents niya. Ngayon, pinauwi siya rito ni Mama para kahit papaano makalimot."
"Wait, so gusto ng Mama mo na ikaw mismo ang magbantay sa kanya?" ulit ni Alvin.
Tumango ako. Napatango-tango rin siya, parang nagpi-piece together siya ng puzzle. "I see... kaya pala binabakuran mo na agad." Tudyo pa niya na may nakakalokong ngiti.
"Tarantado!" Sabi ko at binato ko siya ng crumpled paper.
"Hay nako, Ethan. I know you. Kapag may gusto kang babae, babakuran mo na agad. Regardless kung gusto ka ba ng babae o hindi."
"Loko ka! Sino kaya 'yung nambakod ng babae sa bar ni Fred nung Friday dahil sa kalasingan?" kontra ko sabay tawa.
Bigla siyang umakto na parang nagbibingi-bingihan. "Oh, dude! Stop. Ayoko nang maalala 'yon."
Natatawa pa ako nang biglang dumating si Ejay, tapos sunod na rin na dumating si Fred na may dalang tray ng kape. Sakto, kumpleto na ang tropa.
Eventually, naikwento ko na rin sa kanila 'yung sinabi ni Mama about Yonna. At gaya ng inaasahan, pare-pareho ang reaction ng tatlo.
"Dude, she's so pretty. Can I date her?" tanong agad ng conyong si Ejay, sabay kindat pa.
"Pwede bang ako rin, pre?" dagdag ni Fred, abot-tenga ang ngiti, parang excited na bata.
Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatingin sa kanila. Lahat sila nagdo-drool kay Yonna. Pero sa akin, iba. Hindi lang siya basta maganda. Hindi lang siya crush or trip. She's the one.
Pero ang tanong, papayag ba siya na bantayan ko siya? Ni hindi nga niya ako kilala personally. Oo, kilala niya si Mama, pero ako? Doubtful kung nakukwento pa ako ni Mama sa kanya.
Then Alvin dropped the question that hit me hard. "E, anong balak mo ngayon niyan? Paano mo sisimulang hanapin si Yonna? You just know her face, dude. Wala ka namang alam sa whereabouts niya."
Doon ako natahimik. Totoo. Wala man lang binigay si Mama na address or kahit na ano, hindi ko din alam kung saang hotel siya naka-check-in.
Pero deep down, sigurado ako. Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam ko. Malaki man ang Maynila, pero alam kong nandyan lang siya. Somewhere out there.
And I know... magkikita rin kami.