"Pa," hindi ko binibitawan ang kamay ni Kaye dahil nanlalamig ito. I know what she is feeling right now......she's scared. Tumingin si Papa sa akin at ngumiti. "Brix!" tumayo siya upang yakapin ako. "Happy birthday, Son." "Thanks Pa," humiwalay ako sa kanya at sinulyapan si Lance na nakangiti sa akin. "At home na at home ka na dito, ha." Ginulo ko ang buhok niya. "Opo. Ang bait po kasi ni Lolo, eh," he's grinning. Si Papa naman, tumawa ng malakas. "I really love this boy!" hinalikan pa niya sa ulo si Lance. "Napaka-bibo! Dito ka na lang, ha?" Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Kaye na napahugot ng paghinga. "Naku po! Bawal po! Di nyo naman po ako kamag-anak," sagot ni Lance. "Gusto mo bang maging apo kita?" nakangiti si Papa. He really likes him. 'I think P

