"Nanay!" lalo kong ipinikit ang mga mata ko. Naramdaman ko ang pag-alog sa akin ni Lance. "Ninong Ganda, ano pong nangyari kay Nanay?" "Nanay mo?" dumilat ako ng konti para makita ko ang itsura ni Essa. Nakataas ang kilay niya at iniirap irapan ako! "Ayan, sa sobrang antok, nakatulog agad! Palibhasa, may iniiwasan! Halika na nga Baby Lance, tutulog na tayo. Pabayaan mo nang papakin ng lamok ang Nanay mong artista!" "Kawawa naman po si Nanay kapag kinagat ng lamok! Buhatin po natin siya!" gusto kong matawa sa sinabi ni Lance. Si Essa? Bubuhatin ako? Hindi siguro! Nung manganganak nga ako, pinaglakad pa ako hanggang makasakay ng tricycle, eh! Ngayon pa kayang alam niyang nag-iinarte langa ako! "Tawagin mo ang tatay mo at ng buhatin niya!" ngani nganing bumangon ako at kal

