"Nanay," tumingin ako sa kanya. "Saan po galing ang cellphone ninyo?" napatingin ako kay Lance mula sa nilalabhan kong damit. "Pinapahiram lang po sa akin ng boss ko," ipinunas ko ang may bula kong kamay sa suot kong palda bago ko dinama ang likod niya. Hindi naman basa dahil sa bimpo na inilagay ko doon. "Hindi ka na ba nahihilo?" umiling siya at ngumiti. "Pasok ka na lang muna sa loob at baka mabinat ka. Malapit ng mag-dilim." "Gusto ko po dito, Nanay. Di naman po ako malikot," hinarap ko na muli ang ginagawa ko. "Mabait po yung kausap ko kanina, si Sir Nathan," napasinghap ako sa sinabi niya. "Kapatid po siya ng bagong Boss mo?" Tumango ako. "Opo," kinurot ko ang ilong niya. "At ikaw, paano mo natutunan na sagutin ang teleponong iyon?" "Nakalagay po kasi, swipe tapo

