"Oh my! I am so glad to hear that!" nagpapalakpak pa si Essa ng sabihin kong alam na ni Brix ang tungkol sa amin ni Lance. "So, ipapakilala na kayo sa pamilya?" Umiling ako. Nagtataka ang mga tingin na ibinigay nila sa akin ni Nanay. "Umamin siya sa akin. Ang tatay pala niya ang may kagagawan kaya nawala ang records ng kasal namin ni Nathan," napa-krus si Nanay, si Essa naman, nanlaki ang mga mata sa akin. "Pero bago kayo magalit diyan, pakinggan nyo muna ako......di ba, mayaman sina Nathan, kaya hindi kataka taka na akalain nila akong oportunista. Pinoprotektahan lang niya ang anak niya," ngumiti ako ng tipid kay Inay. "Gayang kung paanong gusto ninyo akong protektahan. Mas pinili ninyo akong lumayo sa kanila." Napabuntong hininga siya. "Ano naman ang balak ng amo mo ngay

