Kasal

4426 Words

"Nay......" nakatingin lang sa aming dalawa ni Lando si Nanay.   Hinawakan niya ang kamay kong nanlalamig.  Natatakot ako sa maaaring maging reaksyon ni Inay sa pag-uusap na iyon.    "Kailan nyo naman balak magpakasal?"  nagkatinginan kami ni Lando bago kami muling tumingin kay Nanay.   "Sa isang buwan na po,"  nakikita ko na nais niyang ngitian si Nanay pero kahit yata gawin niya, hindi ito ngingiti sa kanya.   "Sa isang buwan?  Di ba noong isang araw lang, kalat na kalat sa buong baryo na nobya mo na si Lota, tapos ngayon, ang anak ko ang pakakasalan mo?  Ano na lang ang sasabihin ng mga tao?"  tumaas ang kilay ni Nanay.   Napatuwid naman ng upo si Lando at nakipagtitigan kay Nanay.   "Si Kaye po ang mahal ko,"  kumunot ang noo ni Nanay.  Di nga pala niya alam na Kaye ang taw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD