"Idad, ano yang hawak mo?" bigla akong napalingon sa dumating. Si Inday pala. Naupo ito sa isang bato na katabi ng kinauupuan ko sa kahabaan ng ilog kung saan ako nag-lalaba. Tama....ilog. Ang baryo namin, kahit napapalibutan ng tubig, may ilog sa gitna. Mayroon ding talon kung saan kung saan ako laging naliligo noong kabataan. "Bulbol," sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo niya. "Ano kamo? Bulbol? Bulbol nino?" akmang kukunin niya sa akin, pero iniwas ko iyon sa kanya. "Aanhin mo yang bulbol?" "Ipapakulam ko!" nanggigigil pa rin kasi ako sa inis. "Ipapakulam ko parang maging kamatis ang bayag niya!" kinuha ko ang palopalo at inihampas sa damit nang buong lakas. "Ano ba naman yan, Idad!" napatingin ako kay Inday na siyang pinupuntahan pala ng mga bula na lumala

