Prologue
"Hey! Let go off my hand! You... you..." pinandilatan ni Mira ang mestisong lalaki na nagpakilala sa kaniyang Iggy.
"Kailangan ko kunin ang kaibigan ko. Kakarating lang nung galing Australia, wala pa yun muwang sa mga nangyayari dito sa Pilipinas. Baka saktan din siya ng lalaking yon!"
"Miss, will you stop over reacting? Hindi sasaktan ng kaibigan ko si Lanie." Inis na baling ni Iggy sa kausap. "And please, will you tone it down Miss, dalawa lang tayo dito, naririnig kita."
Maliit ang private room na iyon na sapat lang para sa isang telepono sa maliit na mesita at swivel chair. Ang malakas na boses ni Mira ay dumadagundong sa maliit na espayong sound proof.
"Mister, wag mo akong ma-Miss-Miss. Hindi tayo close. Unang-una..." Nakapamewang na si Mira at lalo pang nilakasan ang boses nito.
"Shhh shhh..." nang mukhang hindi pa ito titigil. Naniningkit ang matang inilapit pa nito ang mukha kay Mira.
"Hindi ako bata para i-shhh-shhh mo..." sabay duro ng daliri nito sa naningkit na mata ni Iggy.
He grabbed her head and placed his hard mouth on hers.
Shocked at first, Mira wasn't able to move. She can only feel his mouth on hers. What looked angry and hard felt hot and soft.Punishing her lips and forcing a bit to open her mouth. It was more shocking this time that she involuntarily opened her lips. He took her sudden unguarded moment to pursue and attack with his tongue.
She tasted him. She like what he tasted and wanted more. Her tongue probed on together with him. Searching. Playing. Her arms went up to hold him by the shoulders then slowly going up to his hair. As if what they are doing is consuming her and she needs him to brace her from falling.
Suddenly his other arm went around the low of her back. The heat of his arm there and his kiss made her arch. "Iggy..."
"Mira? Iggy?" boses ni Lanie sa labas ng pinto kasabay ng mahinag katok nito.
Shit. It's Lanie. From outside.
Yun din ang nagpagising sa diwa ni Mira na biglang natauhan mula sa ginagawa. Parang napapasong inalis nito ang mga kamay mula sa buhok ni Iggy. Namimilog ang mga matang itinulak nito ang lalaki.
Nagmamadaling binuksan ni Mira ang pinto kung saan muntik nang tamaan ni Lanie ang mapulang mukha ni Mira sa muling kakatok sana nito.
Hinila ni Mira ang kamay ng kaibigan papunta sa nagbukas na elevator kung saan may bumabang ilang tao. Ito ang mga TV crew para sa magiging press conference ni Mateo.
Hindi na nakaimik pa si Lanie na hila hila ni Mira. Sa pagsara ng pinto ng elevator. Di mapigilang hawakan ni Mira ang mga labi. Her lips were swollen from that hot kiss. Mataman na nakatingin sa kaniya si Lanie, "Now talk."
"Welcome home friendship!" at nagkatawanan ang mag best friends.