NASA ISANG RESTAURANT ang magkaibigang Lanie at Miracle habang inaantay ang kanilang mga asawa upang mag dinner.
May proyekto sina Iggy at Mateo para sa isang bagong real estate project ng mga Vera. At dahil si Iggy ang PR consultant ng mga kumpanya ng mga Vera, hindi maiwasan na parating magkatrabaho at magkasama ang dalawa.
"Mira, baka nga naman tama ang dad mo. Just take it easy. Isa pa, puede naman na mag extend si Tito Hans ng kaniyang term at di muna mag retire." sagot ni Lanie dito.
Isang malalim na buntong hininga ang pinawalan ni Miracle. "Matagal ko hinintay ito Lanie, mula bata pa ako magkakasama na kaming nangarap sa pagbuo at paglago ng MK Foods... Kaya nga nahihirapan ako ngayon na parang kailangan ko mamili."
Inabot ni Lanie ang kamay ng kaibigan. "Mira, hindi mo naman kailangan mamili. Baka kailangan mo lang muna mag prioritize ano ang mas importante sa ngayon."
Dugtong pa ni Lanie, "And besides bago pa lang kayo na nakasal ni
Iggy. You may need to adjust in your new married life, kasama na ang pagbabalik mo sa buhay bilang Maricar. I'm sure Tito Hans will understand that it will take time and that he needs to still have full reign on the company."
"I'm sure my parents will be supportive. Ang iniisip pa rin nila, kung may imminent threat pa ba sa kaligtasan ko gayung hindi nahuli ang mga kidnappers. Besides, parang hindi lang pera ang gusto nila noon." si Miracle.
Napaisip si Lanie sa tugon ng kaibigan. Sa di kalayuan ay mapapansin ang mga umaaligid na personal security ni Miracle.
ON THE WAY TO THE RESTAURANT, Iggy and Mateo are in the same car.
"You have to talk to Mira about it, bro." Si Mateo ang nagsalita patungkol kay Iggy na sya nitong pasahero.
"Baka kung ano pa ang isipin ni Mira. Ayoko na mag-worry pa sya." Maiksing sagot nito.
"Bro, nagkaka insomnia ka na sa stress na isipin na anytime may masamang mangyayari sa kaniya."
"She's pregnant, Mateo. Ayoko na mag worry sya nang dahil lang sa akin."
"Whoa! Is she? Congrats sa inyo. Alam ba nya na magbi-big reveal ka na sa akin ng pagbubuntis nya?"
Nagkibit balikat si Iggy, "We didn't talk about it. Kung kailan namin sasabihin sa iba. But thanks for being happy for us."
Natahimik si Iggy. Sa mga nakaraang linggo, nagigising ito sa isiping may masasamang loob na nag-aantay lang ng tyempo para mabalikan ang asawa. Upang makatulog, hindi nito maiwasan ang pag inom ng ilang shot ng alak. Minsan naman ay ang pagkain sa gabi. He's been an emotional eater even before. Kapag may iniisip at maraming problema, pagkain ang isang napagbabalingan nito ng atensyon.
Binasag ni Iggy ang katahimikan, "I'm thinking of suggesting na sa Amerika na lang muna kami tumira. At least hanggang makapanganak si Mira. Kaya lang yun pag transition ng kumpanya nila, baka maapektuhan."
"But I'm sure Tito Hans will understand the delay. Lalo pa sa kalagayan ni Mira ngayon."
"Oo nga e. May isa pa naman option. I am being offered to also manage MK Foods lalo na ngayon na gusto nila mag expand internationally. But it means my company has to take a back seat." Kasunod nito ay malalim na buntong hininga muli kay Iggy.
"Malaki ang company mo, hindi man kasinlaki ng MK, pero kaya mong buhayin ang pamilya mo nang marangya. Besides, papalaki pa ito lalo... I understand your dilemma."
Kasunod muli ang mahaban katahimikan.
"Mateo, bro... just one thing. Pag nag announce si Mira about the pregnancy, please act surprised." basag nito sa katahimikan. Kasunod ang malalim na buntong hininga.
Mateo looked sideways at his friend, almost a brother to him by blood. Napangiti ito, inabot ang balikat ng kaibigan. "Basta ikaw."
Dumating na ang mga order ng grupo. Ang inorder ni Iggy ang pinakahuling dinala ng waiter.
Napatakip ng ilong at bibig si Miracle. Namutla pa ito.
"Are you okay?" Nag-aalala na tanong ni Lanie dito.
Nakatingin si Miracle sa pagkain ni Iggy. "Bakit ganyan ang amoy ng pagkain mo? Sobrang lakas ng bawang."
Nagtataka si Iggy na inamoy pa ang pagkain. "It's aioli pasta kaya may garlic. But it's ok, mabango nga e."
"I'll be sick..." napapikit pa si Miracle na pinipigil na maduwal.
Pinakuha muli ni Iggy ang pasta dish sa waiter. Kinabig ang asawa, "Are you alright? Pinabalik ko na yun pasta."
Unti unting nagmulat ito ng mga mata. Nakatingin si Lanie sa kaniya na parang nabigla ito.
"I'm f-ine now..." sabay abot at uninom ng tubig.
Namimilog ang mata ni Lanie na tinutop ang sariling bibig. "Oh em gee! Mira! Are you pregnant?"
"Uhmm.." napatingin si Miracle kay Iggy. Nagtatanong ang mata nito kung puwede na ba nilang sabihin. Hindi pa kasi nila napag-usapan kung sasabihin na nila ang kaniyang pagbubuntis.
Iggy's lip slightly raised to a small smile.
Ibinalik ni Miracle ang tingin sa mga kaibigan. Looking at Lanie directly, "Yes we are." habang ang kamay niya sa ilalim ng mesa ay hawak hawak ni Iggy.
Namuo ang luha ni Lanie na napahawak pa sa kaniyang dibdib "Congratulation, we're so happy for you." tumingin din ito kay Mateo, Iggy at pabalik kay Miracle.
"Congratulations, tonight must be a celebration then. Minus the garlic of course." Itinaas pa ni Mateo ang wine glass nito for a cheer.
"Thanks! I may have to order another dish. In the meantime share your food with me, dear wife." balik ni Iggy.
"Oh no, dalawa kaming kakain nito." sabay turo sa tyan, "And kasabihan na pag nag share ka sa buntis ng pagkain, aantukin ka."
"Okay lang, may driver naman tayo." biro ni Iggy.
Nakangiti si Mateo sa mga kaibigan, "Ganyan na ganyan din si Lanie nung buntis sa kambal. Parang may super powers sa pang amoy. Buti nga ikaw bawang ang ayaw mo."
"Ang amoy na di ko ma take dati e yung pabango nitong si Mateo. He had to change his perfume then." dugtong pa ni Lanie.
Nagkatawanan ang magkakaibigan kasunod ang masayang gabi.
SA DI KALAYUAN MULA SA RESTAURANT, may isang nagmamasid mula sa heavily tinted na kotse.
"Mahirap makalapit ngayon sa'yo Maricar. Napakaraming taon akong naniwala na wala ka na. Magaling din si Hans. Pinagmukha niya akong tanga! Akala ko makukuha ko ng madali ang MK Foods pagkatapos niya itong palaguin nang walang tagapag-mana."