Party Night

1909 Words
Isang buwan makalipas na maisaayos ang mga detalye ng bagong foundation para sa climate change na tinawag nilang Climate Check, ilulunsad na ito sa publiko. Malaking paghahanda ang ginawa ng grupo sa pamamagitan ng isang dinner dance party. Si Miracle ay abala bilang events organizer ng pagtitipong iyon. Ang kumpanya ni Iggy ang syang may hawak ng buong programa ng foundation at isa lamang ito sa marami pang pagtitipon na gagawin upang mapalaganap ang pag-aalaga sa ating kalikasan. Sa laki ng okasyon ay kakailanganin ni Miracle ang lahat ng kanyang mga tauhan para sa gabing iyon. Walang ibang event silang tinanggap upang paghandaan ang launching ng Climate Check dinner dance party na dadaluhan ng mga kilalang personalidad sa bansa at ilang mga diplomat mula sa ibang bansa. Ito ay gaganapin sa isang hotel na pagma-may-ari ni Mateo. Bukod sa paghahanda sa gabing iyon ay iilang beses lamang nagkausap sina Iggy at Miracle sa nakalipas na isang buwan. Naging sunod-sunod na ang mga events ni Miracle hatid ng lumalago nitong negosyo. Bagaman may ilang program coordinators ito, mukhang kakailanganin muli ni Miracle na kumuha ng karagdagan mga tao dahil sa bilis ng paglago ng kaniyang negosyo sa tulong na rin ng implwensyang dala ng kaniyang mga kaibigang sikat sa alta de sosyedad. Si Iggy naman sa kaniyang pagkakaalam ay kinailangang bumalik sa mga kliyente nito na sa iba't ibang parte ng Europa para sa mga press release ng mga bagong programa ng isang sikat na airline doon. Tanging ang launching ng Climate Check lamang ang nagiging pagkakataon na marinig at makausap tuwing tumatawag ito mula sa Europa upang dumalo sa kanilang weekly meeting kasama ang ilan pang founders ng grupo. Matapos makausap ni Miracle ang mga assistant nito ay naghanda na rin sya para bilang isa sa mga founders kung kaya iniwan muna nito ang function room kung saan gaganapin ang dinner dance party at umakyat sa kaniyang kuwarto sa hotel na iyon. Mula sa isang practical na business suite ay isang moss green embellished tiered chiffon halter gown ang ipinalit ni Miracle. Her hair was in an elegant updo. Patungo sa elevator lobby nakatayo na naghihintay doon si Trev. Nagliwanag ang mukha nito nang makita siya. "Miracle, you look stunning. I just learned Iggy is out of country and can't make it tonight. Not sure what's between you two, but just the same, may you do me the honor of becoming my date for tonight?" diretsahang tanong nito. Mahinang tawa ang lumabas sa mga labi ni Miracle. "Last minute choice?" "Of course not. I was intent on knocking on your door earlier. That's even before I heard Iggy is out of country." "Hindi ko akalain Trev na marunong ka pa lang mang intriga ha." "Bestfriend si Iggy ng business partner ko at bilang lalaki naiintindihan ko na kung may namamagitan na sa inyo, ayaw ko naman manggulo. But for tonight, I just thought we can go out and celebrate for a good cause. So, will you be my date for tonight?" "Hmmm okay." Nakangiting sagot ni Miracle kay Trev. Ilan sandali pa ay patungo na sina Miracle at Trev sa function hall. Kailangan na mas maaga sila bilang ilan sa mga hosts ng gabing iyon. HALOS TUMIGIL ANG ORAS nang makita ni Iggy mula sa kalayuan ang masayang mukha ni Miracle. Lalo pang sumidhi ang pagnanais niyang makalapit agad sa babae mula sa kaniyang kinatatayuan. Nagmamadaling makabalik ng Pilipinas si Iggy upang makahabol sa event na iyon. Napahinto siya nang makita ang paglingon nito sa lalaking nakakapit dito, si Trev. May kung anong sinabi ang lalaki na nakapagpatawa kay Miracle. Sa pagtaas ng tingin nito ay nagtama ang kanilang tingin. Noon din ay hindi namalayan ni Iggy na nakalapit na rin pala siya sa mga ito. "Iggy." Sambit ni Miracle "Mira." At naglipat ito ng tingin mula kay Miracle papunta kay Trev. "Iggy hindi ko akalain na andito ka na pala. We need a run down with Mateo before the guests will start to arrive." Sambit pa nito. "Go ahead." Pinauna nito ang dalawa at sa kaniyang pagsunod ay kita nito ang backless style ng gown ni Miracle. Showing her fine flawless back hanggang sa baywang at kung saan naman ang braso ni Trev ay bahagyang nakaalalay dito. Iggy wanted to pull Trev's hand that is lightly touching Miracle's back. Nagtatagis ang mga bagang ni Iggy nang makarating sa backstage kung saan inabutan doon ang ilang kasamahan sa foundation. Maging si Lanie ay bahagyang nagulat nang makitang si Trev ang kasama ng kaibigang si Miracle at ang madilim na mukha ni Iggy ay kasunod ng mga ito. Si Mateo na nakahalata sa totoong nasa loob ng parating na kaibigan ay kaagad sinalubong ang parating na sina Trev at iniabot ang kamay nito. "Good evening, Trev... Mira." Matapos ang pagbati kay Miracle ay si Iggy naman ang kinausap nito. "Akala ko ba di ka aabot tonight?" may halong sarkasmo ang pagbati nito nang sila lamang ang nakaririnig. "Kung aasarin mo ako, huwag na. Asar na ako." Balik nito na nagtatagis muli ang mga bagang nang makitang nakahawak si Trev sa siko ni Miracle ngayong binabati na rin ng mga ito ang ilan pa nilang kasamahan. "I was genuinely surprised when I saw you here. But I was shocked when I saw them together na hindi mo pa pinapatumba si Trev the moment you saw him with Miracle." Neutral ang tono na pahayag nito. "I was genuinely surprised too na nakakapagpigil pa ako hanggang sa oras na ito." Kasabay niyon ay ang pagtatama nila ng tingin ni Miracle nang mapatingin ito sa kaniyang kinaroroonan. Miracle thought how Iggy looked very manly and elegant in his tuxedo. Ang alam niya ay hindi ito makadadalo sa gabing iyon kung kaya nagulat sya nang magkita sila kanina lamang. She recognize the building fire in him and the questioning look in his eyes sa patuloy na nakikitang katabi niya si Trev. Bagaman gusto niyang ipakita kay Iggy ang pagkasabik sa pagbabalik nito ay pinigilan niya ang sarili. Hindi nakawala sa paningin ni Miracle nang lapitan si Iggy ng isang maganda at sopistikadang babae na sa pagkakaalam niya ay anak ng may ari ng hotel chain sa bansa. Maging ang pagkakahawak ng kamay nito sa braso ng binata. Pumasok sa isip ni Miracle na kamakailan lamang bago ang binyagan sina Miguel at Lyra ay ang babaeng iyon ang kasama ni Iggy sa mga kuha nito sa mga society pages ng mga magazine at dyaryo. Naalala niya ang tinuran ni Trev kanina lamang na hindi nito alam kung may namamagitan sa kanila ni Iggy. Pinili niya na patuloy na sumama kay Trev bilang date nito maski pa sinabi nito sa kaniya na naiintindihan nito kung gusto niyang sumama kay Iggy bilang date at hindi sa kaniya. Dahil maging si Miracle ay napaisip kung ano nga ba talaga ang namamagitan sa kanila ni Iggy. MAGANDA ANG KINALABASAN NG PROGRAMA nila ng gabing iyon matapos ipalabas ang video tungkol sa climate change at maging ang mga programa ng kanilang foundation upang maiwasan ang mga hindi magagandang dulot nito. Marami ang nangako ng suporta para sa kanilang mga proyekto. Kung kaya sa oras na ito ay puro kasiyahan na lamang ang ginagawa ng mga tao at nakahanap si Miracle ng pagkakataon na magpaalam kay Trev upang asikasuhin na mag-check sa kaniyang mga coordinators. Matapos kausapin ni Miracle ang kaniyang head coordinator sa backroom ay naramdaman niya na may mga tao sa kabila ng divider. Isang ungol mula sa boses ng babae ang narinig ni Miracle. Kilala niya ang boses ni Iggy at naririnig din niya ang boses ng isang babae. Malamang ito ay ang kasama nito kaninang hotel heiress. "So Iggy, how about heading up to your room? I've been trying to contact you. Bigla ka na lang nawala." Boses ng babae. "I've been preoccupied with business." "You're always preoccupied with business. Pero hindi yan naging dahilan para mawalan ka ng oras sa ibang mga bagay. Things that involve us together, no clothes on, one room." "I'm sorry but this is a major event of CMCI which I have to see through the end. I have to get back to the guests." "No worries bunny boo, here is my card key. I'll be waiting for you." Inilagay pa nito ang isang card sa bulsa ng coat ni Iggy. Matapos umalis ng babae ay nakita ni Iggy ang parating na si Trev. Mataman itong nakatingin sa kabila ng divider at pabilis ng pabilis ang pagkilos nito patungo roon. When Trev finally reached the other side, sumunod siya rito at nasaksihan ang mabilis na pagyakap nito kay Miracle. HINDI NAKAALIS SA PAGKAKATAYO si Miracle nang matapos na marinig ang mga nasa kabila ng divider. Sa pakiramdam ni Miracle ay nanlalambot siya at nakaramdam ng sakit sa kaniyang dibdib. Paglingon niya, Trev was approaching her with an intent look. Lalong bumilis ang paglapit nito. The room went spinning for her and then everything went black. Dali-daling pinangko ni Trev ang babae at dinala sa ante room iilang hakbang lamang mula sa kinatatayuan nila. "Get help. Fast." Maigting na tinuran ni Trev kay Iggy na noon ay nakalapit na sa kanila. Nang maayos na naibaba ang walang malay pang si Miracle sa couch, yakap pa rin ni Trev ang itaas na bahagi ng katawan ni Miracle. "Iggy get help." Nang hindi ito gumalaw ay kinuha ni Trev ang cellphone mula sa bulsa nito at tinawagan si Mateo. "Why are you calling me? Nasaan ka?" Nagtatakang bungad ni Mateo. "Miracle passed out we're here at the backroom. Bring help immediately." Habang sinasabi ito ay nararamdaman ni Trev ang munting pag-galaw ng kamay at ulo ni Miracle. Sa mumulat na ang mga mata ni Miracle ay siya naman pagdating ni Lanie na sa di kalayuan ay maririnig ang boses ni Mateo na nagbibigay tila may kausap. "Iggy, what happened to Mira?" humahangos na tinuran ni Lanie nang madaanan ito sa pintuan ng ante room. "She's opened her eyes just now. She passed out." Si Trev ang sumagot. Sa pagtingin ni Iggy kay Miracle ay noon lamang nito napansin ang pagiging malamlam at tila lumalalim at pagod nitong mga mata. "Anong nangyari?" nalilitong tanong nito. "You passed out." Sagot sa kaniya ni Trev. Nagsisimula nang magregistro sa isip ni Miracle ang mga pangyayari nang naramdaman nitong nasa tabi ang mga kaibigan na sina Lanie at Mateo. Noon din ay dumating na ang medic na naka standby para sa event na iyon. "I'm fine. Baka nahilo lang ako kasi di ako nakakain kaninang lunch plus the excitement and the nerves for the last couple of days leading to tonight." Dugtong pa nito. "No need to check me out." Pahayag pa nito nang makita ang mga medics. "No, Miracle, kailangan mong matingnan ng medics." Kumbinsi pa ni Lanie rito. "I'm fine... Dapat magsibalik na kayo baka hanapin kayo ng mga bisita natin." Si Mateo ang sumagot, "Hindi ka namin maiiwan ng hindi ka natitingnan ng mga medics." Akmang tatayo si Miracle. "No really.." "Mateo, tama si Mira na dapat na kayong bumalik sa mga bisita sagot ni Trev. "What? No. This is my event. Kailangan ko masiguro na maayos ang lahat." Tutol ni Miracle. "Mira, nandito lahat ng mga assistants mo. You've trained them well, siguradong magiging maayos ang natitira pang oras. Iggy can you help Mira back into her room?" May pag-aalala pang paalala ng kaibigang si Lanie. Nang lumingon si Lanie ay wala na roon si Iggy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD