Pagbukas pa lang niya ng pinto ay magkasabay na napalingon ang lahat sa kan’ya. “Oh, narito lang naman pala si Mae,” saad ni Tatay Cobian. Akala niya ay si yaya lang at si JM ang nasa bahay ngayon subalit nagulat siya sapagkat kumpleto ang kanyang nabungaran. Naroon ang mga magulang ni Jacob, ang mga magulang niya at si Jacob mismo na magulo ang buhok at bakas ang eyebags sa mga mata na halatang wala itong maayos na tulog. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya at halos takbuhin ang pagitan nila saka hinila siya at ikinulong sa mga bisig para sa isang napakahigpit na yakap. “God! I was so f*****g worried, Mae. Where have you been? Akala ko ay kung ano na ang nangyari sa iyo. Pakiusap huwag mo nang ulit gagawin ito, ha? Akala ko ay iiwan mo na kami ni JM,” bulong nito sa ka

