Pumikit na lang siya kahit kasing bigat na bigat ang kanyang dibdib. Pinilit niyang makatulog pero hindi niya talaga magawa. Nilingon niyang muli ang asawa, mas ito pa nga ang nagangailangan ng tulog ngayon dahil sa itsura nito. “A-ako na lang ang magmamaneho. Sa ating dalawa kasi ikaw itong mas nangangailangan ng pahinga. Sige na, M-mahal, ihinto mo na para makapagpalit tayo.” Bumuntong hininga ito pagkatapos ay hininto ang sasakyan. Pinihit niya pabukas ang pinto pero nanatiling naka-locked iyon. Kunot-noong nilingon niya si Jacob. He was leaning his head at the backrest, patingala at nakapikit. Tumaas-baba ang Adam’s Apple nito dahilan para doon matuon ang kanyang mga mata. Kahit kailan ay hindi talaga nawawala ang kagwapuhan ng asawa niya at sa tingin niya ngayon dito ay para itong

