Hindi mapigilan ni Marshmallow ang mapangiti habang nakamasid kay Ashton na mahimbing na natutulog sa kama. Kaninang gumising siya ay akala niya panaginip lang ang nangyari kagabi pero nang magmulat siya at nasa tabi niya ito ay lumubo na yata ang puso niya sa kaligayahan. Hinila niya kanina ang silya at naupo roon at pinagmasdan ito. Hindi pa rin nagkupas ang taglay nitong kakisigan. Nag-matured lang ito sa paglipas ng mahabang taon. Para sa kanya ay mas guwapo pa ito sa kung sino mang sikat na artista riyan. Natural na natural ang animo iniukit ng magaling na sculpture ang mukha nito. Nasa tamang puwesto lahat, kung tititigan mong mabuti ay wala kang maipipintas sa lahat ng anggulo sa katawan nito. Ang malapad na katawan nito, mahahabang biyas... lahat ay perpekto. Binatang-binata na it

