Chapter 11

1956 Words

May ngiti sa labing pinapanood niya si Nigel na hindi maalis ang malawak na ngiti sa labi at tumatawang itinuturo ang isang monkey na nasa may sanga ng puno at kumakain ng saging. Kahit ilang beses na itong pumunta rito ay hindi pa rin nagsasawa, 'pag nakakakita ito ng mga hayop ay labis ang kasiyahan sa mukha nito. Ang pinakapaborito nito ay ang mga giraffe dahil daw malalaki sila. Tinatawanan niya minsan ang bata dahil gusto raw nito kasingtangkad nito ang nasabing hayop para maabot din nito ang pinaka-tuktok ng puno. Gusto raw nito na sumakay sila sa likod nito at ipapasyal sila sa buong zoo. Minsan ay hindi niya naiisip na apat pa ang edad nito dahil sa paraan ng pagsasalita nito na akala mo ay matanda na. "Hey, young man, come on we have to go for a lunch," tawag ni Ashton kay Nigel

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD