Kalagitnaan ng gabi ay naalimpungatan si Marshmallow dahil sa paghilab ng kanyang tiyan. Napangiwi siya at napahawak sa baywang para haplusin iyon nang naramdaman rin niya ang kirot doon. Sinulyapan niya ang mag-ama na mahimbing ang tulog at yakap pa ni Ashton si Nigel na humihilik pa. Dahan-dahan siyang bumangon at umupo sa gilid ng kama, nang muling humilab ang tiyan niya ay napakagat-labi siya at napahugot ng malalim na hininga. “Ashton!” tawag niya sa asawa. Isang malalim na hininga ang naging sagot nito. Napapikit siya at kahit masakit ang baywang at tiyan ay tumayo siya at naglakad para lumiko sa banda nito. Ayaw niyang lakasan ang boses niya dahil baka magising ang kanilang anak. Huminto siya sa paghakbang nang sumunod na sumakit ang likod niya, she gritted her teeth. Sunod-sunod n

