Hinahaplos ni Nigel ang malaki nang tiyan ni Marshmallow. Nine months na ang pinagbubuntis niya at malakas na ang mga galaw ng baby niya at hinihintay na lamang niyang manganak siya. Sa tuwing umaga ay kinakausap ni Ashton ang tiyan niya at sinasabing hindi na raw siya makapaghintay na lumabas na ang baby nila. Para naman na nakakaintindi ito dahil gagalaw siya at sisipain ang palad ng kanyang asawa. Isang malakas at mataginting na tawa ang pakakawalan ni Ashton at hahalikan ang tiyan niya. Pagkatapos nitong makontentong panoorin ang paggalaw ng tiyan niya ay saka lang ito babangon at maliligo bago bumaba at magluluto ng agahan nila. Susunod naman na papasok si Nigel sa kuwarto nilang mag-asawa at ito ang hahalik at kakausap sa tiyan niya bago siya hihilain na bumangon at bumaba para pano

