Nasa isang private room sila ng kilalang five star restaurant at may hinihintay na isang taong naging importanti rin sa buhay ni Marshmallow. Alam kasi niya na nasaktan din niya ito ng todo pagkatapos niya itong iwan para sa ngayon na asawa na niya. Hindi niya ito na-imbitahan noong kasal nila dahil wala siyang ideya roon. At alamniya na 'pag nalaman nitong nagpakasal sila ni Ashton ay labis na masasaktan pa rin ito. 'Nung kinausap naman niya ang asawa kung puwede niya itong makita para humingi ng tawad at magkaroon na rin sila ng closure, sa una ay matigas na tumanggi ang asawa niya. Kung hindi pa niya ito kinausap at sinabi ang dahilan niya ay hindi ito papayag. Natatakot daw kasi ito na baka maagaw na naman siya ni Byron. Nagawa raw kasi ng binata na makuha nito ang puso niya kaya maga

