Pinasadahan agad ng tingin ni Ashton si Marshmallow na lumabas ng bahay. Papasok ito sa University habang siya ay sa isang private school naman siya pupunta. Magkaiba ang pinapasukan nila na school pero hindi pa rin naging hadlang 'yun para 'di sila magkita sa umaga dahil minsan inihahatid pa siya ng family driver ng dalaga. "Anong klaseng damit 'yan?" salubong ang kilay na tanong niya na hindi maipinta ang kanyang mukha. Tinignan siya nito. "Ito ang uso kaya ngayon. Kahit pa tignan mo ang iba ay mas daring pa ang suot nila." "You look like a clown!" he snorted. Nagmartsa siya palabas ng gate dahil sirang-sira na ang mood niya sa nakitang ayos nito. "Ash! Teka lang. Sabi ni Mama, ihahatid ka na muna namin sa school mo bago ako ihatid ni Kuya sa university!" Hinabol siya ito. Huminto si

