TOGETHER AGAIN

958 Words
"When two hearts separated by time and distance are reunited again, will love be their common denominator the second time around?" Wala pa ring nagbago. Masarap pa rin ang simoy ng hangin dito sa kinauupuan ko ngayon. Dito sa ilalim ng puno kung saan sumibol at nabuo ang pagkakaibigan namin ni Nat. Kumusta na kaya siya? Naaalala pa rin kaya niya ang masayang nakaraan namin? Ito ang mga katanungang umuukilkil sa aking isipan habang hawak ko ang bracelet na siya mismo ang nagbigay. Si Nat ang iniisip ko sa mga pagkakataong ito at laking gulat ko nang tumawag sa akin si Thalia na siyang girlfriend ngayon ni Nat. "Hello, Thalia?" bungad ko. "Hello, Kob. Naghahanap ka pa rin ba ng apartment?" tanong niya. "Oo eh. Nahihirapan na rin kasi ako sa pagsakay sa jeep araw- araw," sagot ko. "Sakto, magsama na kayo ni Nat sa apartment niya. Lumipat kasi yung kasama niya eh kaya mag- isa na lang siya doon. Samahan mo na lang," pagyayaya ni Thalia. Napahinto saglit ang t***k ng aking puso sa narinig kong ito. Hindi ko inakalang sa mismong oras kung kailan binisita ko ang tambayan namin at kung kailan iniisip ko siya, saka naman darating ang opportunity para makasama ko siya ulit. "Ahh ehhh, sige ba. Se... ahh send mo na lang sa akin ang details," nauutal kong sabi kay Thalia. "Sige basta h'wag mo lang siyang ahasin ah," wika niya. Hindi ako nakasagot sa sinabing ito ni Thalia. Bahagya akong na- offend pero naisip ko rin na baka nga talaga gusto kong kunin si Nat sa kanya. Baka lang naman. Ewan ko lang kung tamang term ang ahasin. Baka nga. Nat. Nat. Nat. Ilang beses ko na siyang sinubukang kalimutan pero sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya, bumibilis ang t***k ng dibdib ko. Ang hirap palang hindi makalimot. Para akong nakakulong sa isang madilim na silid at naghihintay ng liwanag na tanging siya lamang ang makakapagbigay. Bago pa man magdilim ang kalangitan ay bumaba na ako mula sa bundok at naglakad na pauwi ng bahay. Nadatnan ko sa sala si mama na naka upo sa sofa habang nanonood ng paborito niyang teleserye. Paakyat na ako ng aking silid nang bigla siyang nagsalita habang nakatingin pa rin sa TV. Sinabi ko kay mama ang plano kong titira na sa apartment kasama si Nat. "Ha? Okay lang ba sa'yo anak? Baka mailang ka sa kanya. Alam kong minahal mo siya nang sobra kaya baka awkward kapag magsama kayo sa iisang bubong," banggit niya. Sa sobrang close namin ni mama, alam na alam niyang si Nat ang unang lalaking iniyakan ko. Syempre, maliban kay papa. "Okay na ako, ma. Tutal may gf na rin naman siya at kaibigan ko pa," sagot ko sa kanya. Sa huli ay pumayag din si mama na sumama na ako kay Nat sa isang apartment. Inilipat ko na ang ang mga damit at gamit ko doon at handa na akong pumunta at manirahan doon nang tuluyan. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko sa bago kong apartment, umuwi muna ako sa bahay para kunin ang huling mga bag ng gamit ko. Habang nag- iimpake ako, pumasok sa kwarto ko si mama at umupo sa kama ko kung saan ako nag- aayos ng gamit. "Handa ka na ba, anak?" "Ha? Okay na po yung mga gamit ko. Nailagay ko na rin sa cabinet lahat ng mga damit ko, ma," sagot ko. Napansin kong lumingon siya sa akin bago siya muling nagsalita. "Hindi yun ang tinatanong ko. Ikaw. Yung sarili mo mismo. Handa ka na ba, anak?" Ilang sandali akong natulala sa binitawang mga kataga ni mama. Lumapit ako sa kanya at umupo sa kanyang tabi. Niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko rin alam ngunit nang narinig ko ang kanyang huling sinabi ay bigla akong napaisip. Kinabahan. Natakot. Handa na nga ba talaga akong makasamang muli si Nat? Handa na ba akong gumising na siya ang nakikita ko? Para sa mga pagsubok na kakaharapin ko sa apartment dahil sa kanya, handa na ba ako? "Alam kong kinakabahan ka, anak, pero alam ko ring kayang- kaya mo. Lagi mo lamang susundin ang sinasabi ng puso mo dahil ito lang ang magpapasaya sa'yo," dagdag pa niya. Bigla akong nabuhayan sa sinabing ito ni mama. Sabagay, kayang- kaya ko naman talaga. Ako pa ba? Pagkatapos naming kumain ng aming hapunan ay dumiretso na ako sa aking silid upang magpahinga saglit bago kami bumalik sa aming apartment. Naayos ko na lahat ng gamit ko at sa katunayan ay naidala na namin lahat sa doon kahapon. Humiga ako sa kama at pinagmasdan ang mga bituin na nasa kisame ng kwarto ko. Matagal na rin akong humihiling sa mga ito pero ewan ko ba. Hindi naman nila ako pinapakinggan. "Beeep. Beeep." Ilang minuto pa ang nakalipas ay may bumubusina na sa harapan ng bahay namin. Kaya naman dali dali akong bumangon at nagsipilyo saglit. Bago ako lumabas ng kwarto ay napalingon ako sa mesa kung saan may nakatayong picture frame. Tinignan ko ang larawang ito na kuha ilang taon na rin ang nakalilipas. Nilagay ko ang larawan sa loob ng aking bag at bumaba na. Pagkababa ko ay nakita ko si Nat at Thalia na nakaupo sa sofa habang kinakausap ni mama. Tila masaya ang kanilang pinagkwe- kwentuhan dahil pareho silang nakangiti. Naputol ang kanilang usapan nang nakita nila akong pababa sa hagdanan. "Ma, ano pong pinagkwe- kwentuhan ninyo?" tanong ko. "Wala, anak. Sige na. Umalis na kayo at gabi na," mabilis niyang sagot sa akin. Dumiretso na kami sa kotse ni Nat at bago pa man kami sumakay, "Tita, mauuna na po kami. Mag- kwentuhan na lang po tayo ulit next time," banggit ni Nat at pagkatapos ay binigyan niya ako ng matamis na ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD