"Every love story is beautiful but ours is my favorite. I only want two things in this world. I want you and I want us without her in the picture."
"Tita, mauuna na po kami. Mag- kwentuhan nalang po tayo ulit next time," banggit ni Nat at pagkatapos ay binigyan niya ako ng matamis na ngiti.
Ano bang problema ng lalaking ito? Alam naman niyang marupok ako! Tsk. Nandito pa mandin si Thalia.
Hindi na sana ako magpapasundo pero makulit talaga itong si Thalia. Sigurado akkng pinilit na naman niya si Nat na sunduin ako rito sa bahay.
"Sige. Alagaan mo muna ang anak ko, Nat. Mag- iingat kayo," nakangiti namang sabi ni mama na siyang dahilan para kumunot ang noo ko. Binigyan ko si mama ng naasar na tingin dahil naaasar talaga ako sa mga pangyayari.
Ano bang meron?
"Tara na" ito ang narinig ko mula kay Thalia na ngayon ay nakaupo na sa tabi ng driver's seat. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakakasama ko na ulit si Nat. Yun nga lang, third wheel ang eksena ko.
Alas- otso na rin pala ng gabi at heto pa rin kaming tatlo nina Thalia at Philip, bumabyahe papuntang syudad. Tahimik si Nat habang nagdra- drive. Tahimik pero nakangiti.
"Babe, parang masaya ka ngayon ah," narinig kong sabi sa kanya ni Thalia. Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kotse. Buti na lamang at nagsalita si Thalia.
Naghintay akong ng sagot mula kay Nat kung bakit siya mukhang masaya pero wala akong nahintay. Ngumit lang siya sa sinabing ito ni Thalia at nagpatuloy sa pag- dra- drive. Hays. Bahala ka na nga d'yan.
Ilang saglit pa ay nagpatugtog siya ng kanta. Now playing, "Someone You Loved" by Lewis Capaldi. Favorite song ko! Iba ang dating sa akin kaya naman napakanta ako nang di oras. Sumusulyap sa akin si Nat pero wala akong pakialam.
"Favorite mo?" tanong ni Thalia. Ewan ko ba. Ilang buwan na ata silang mag- jowa pero hindi man lang alam ni Thalia kung ano ang favorite song ni Nat.
"Ahh favorite song yan ni Kob," sagot niya.
"Ikaw, ano'ng paborito mong kanta?" pahabol kong linya sa kanya.
Nagulat ako sa sinabing ito ni Nat lalo na't sinabi niya ito kay Thalia. Sabagay, alam ni Thalia na mag- lugar kami ni Phil. At alam din niyang magkababata kami dahil na- kwento raw ni Nat sa kanya.
Someone You Loved nga ang kantang pinapatugtog ni Nat sa sasakyan. Narinig ko siyang kumanta at kahit medyo sablay, natuwa akong makuta siyang kumanta.
Pagkatapos ng paborito niyang kanta ay hindi na siya nag- play pa ng iba.
Sunod na tugtog ay ang One Wish na kanta ni Ray J. Pagkatapos ng tugtog na ito, nagsalita si Nat.
"Jacob, ano ang one wish mo sa ngayon?" tanong niya sa akin.
Hindi ako nakaimik agad. Naalala ko yung isang bagay na hinihiling ko sa mga bituin na nasa kwarto ko.
"Ayaw ko munang sabihin baka hindi matupad. Heheh. Sa totoo lang, matagal ko nang hinihiling 'to. Kapag natupad, h'wag kang mag- alala, ikaw ang una kong sasabihan," paliwanag ko sa kanya.
Nag- kwentuhan kami ni Nat hanggang sa makarating na kami sa Vista City at dumiretso sa aming apartment. 8:45 PM na rin pala. Ibinaba na namin si Thalia sa bahay nila.
Tila naninibago ako sa set- up ng kwarto ko, ng kwarto namin. Dalawang kwarto, isang banyo, dalawang study tables, may kusina, may TV, may ref, kumpleto naman. Yun nga lang, hindi ako sanay na ako lang mag- isa at wala si mama. Hindi ko pa alam kung ano ba ang ugali ni Philip.
Pagkatapos kong mag- shower ay chineck ko na ulit ang mga gamit ko para bukas. Buti nalang at afternoon mag- uumpisa ang first class namin dahil sa umaga ay orientation muna at campus tour. Hindi naman formal class kapag first meeting sa bagong semester. More on introduce yourself at giving of syllabus daw. So, okay naman at hindi ako mabibigla.
Humiga na ako sa kama upang matulog samantalang kanina pa tulog si Nat.