CLINGY

519 Words
"I love it when you hold me. I want it when you say you won't let go. I never will leave you even before you asked me to stay." Good morning! Time check: 6:30 AM This is it! My first day with Nat! Ang saya! Ang aga kong nagising ngayon! I stretched my arms and yawned. Bumangon na ako at nagulat nang nakita ko si Nat na nakaligo at naka- uniform na habang nag- la laptop. Ha? Seryoso? "Uy, anong oras ka nagising?" "Hmm... 5?" Ang aga naman. "Maligo ka na at kakain pa tayo," utos niya sa akin. Dali- dali na akong tumayo at dumiretso na sa banyo. Ilang minuto pa ay lumabas na rin kami at pumunta sa isang malapit na restaurant para bumili ng breakfast. "Tapsilog nga po," Nauna na akong umorder at naghanap na ng upuan para sa'min ni Nat. "Beef steak?" Tanong ko kay Nat na abala sa pagkain. "Oo. Sarap kaya," he responded. Pagkatapos naming kumain at mag- kape ay sumakay na ulit kami para pumunta na sa school. Fast forward... We just had our flag ceremony sa Grandstand and all of us were instructed to proceed to the Multi- Purpose Hall sa loob ng Grand Hall. Hindi pa rin ako iniiwan ni Nat. Natatawa ako dahil para akong batang hawak- hawak niya sa kamay. Para ko siyang magulang na ayaw akong mawala. At hanggang sa Orientation Program ay magkatabi pa rin kami. Dito sa Mapua, every semester ay mayroong Orientation Program. Muli na namang nagsama- sama ang lahat ng nga estudyante para makinig sa mga paulit- ulit na announcements. Hays. "Tol, okay lang ako." Tila naiilang na ako dahil hindi pa rin binibitiwan ni Nat ang kamay ko. Kumalas na ako sa pagkakahawak niya at nagpatuloy na sa pakikinig. Naging mabilis lang ang orientation at kaya naman maaga kaming kumain ni Nat sa isang resto sa labas ng school. Mas mura kasi eh. "Kumain ka ng marami," ani Nat habang pinagmamasdan niya ako. Tumaas naman ang dalawang kilay ko sa aking narinig. "I mean, kumain ka ng marami dahil mag- uumpisa na ang klase natin mamaya," pahabol niya. "Teka. Ako ang dati nang estudyante dito sa Mapua, Nat, kaya naman mas alam ko kung ano ang mga ganap dito," pagmamataray ko. "Oo na. Basta h'wag mo muna akong iwan. Medyo kinakabahan pa ako eh. Secret lang natin ha," sabi niya sa akin na siya namang dahilan para matawa ako sa kanya. Kaya naman pala halos ayaw na niya akong bitiwan kanina. "Bakit ba kasi wala ngayon si Thalia. Second day pa lang ng bagong semester, absent na siya. Ikaw naman, bakit ngayon ka lang kasi papasok. Sa akin tuloy napunta ang responsibility na alagaan ka," wika ko. "Diba nga masama ang pakiramdam ko kahapon. Sina Thalia naman, may family outing sila. Ewan ko ba dun, inuna pa ang mag- swimming kaysa pumasok sa school," sagot niya. "Hoy, Kob, bakit parang lugi ka pa na ako ang aalagaan mo? Diba inaalagaan naman natin ang isa't isa noong mga bata tayo?" dagdag niya. I just smiled at him at nagpatuloy na ako sa pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD